ASAP gives back
MANILA, Philippines – Panahon na naman ng pagbibigayan sa ASAPXV!Ngayong linggo, saksihanang mga pinaka-heartwarming at touching moments na magpapatotoo sa Kapamilya spirit sa special episode na ASAP Gives Back.
Ang buong ASAPXV Kapamilya ay maglalaan ng kanilang oras ngayong holiday season kasama ang mga natatangi nating kababayan. Samahan ang inyong mga paboritong ASAP Kapamilya sa kanilang pagbabahagi sa ating mga kapus-palad na kapamilya.
Abangan din ang pinakamalaking handog ng ASAPXV para sa lahat. Manood lamang ngayong linggo upang magkaroon ng pagkakataong makatanggap ng mga extraordinary gifts mula sa inyong ASAP Kapamilya.
Samantala, non-stop performances pa rin ang hatid ng programa ngayong Christmas season.
Pure music entertainment ang handog ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano kasama ang mga acoustic favorites na sina Yeng Constantino, Sam Milby at Aiza Seguerra.
Maki-jam sa himig Paskong dala ng Sessionistas.
Isa na namang showstopping performance ang regalo ng Pop Star Princess na si Sarah Geronimo sa SOS.
Magliliyab ang ASAP centerstage sa mga ultra hot dance performances mula sa Supahdance Krew, ASAP Ultimate Leading Ladies ka-back to back ang mga Supahkids, Kim Chiu, Melai at Billy Crawford.
Maagang Pamasko ang ibibigay ng mga naglalakihang artista ng Metro Manila Film Festival 2010.
Salubungin din ang 2011 kasama ang inyong ASAP Kapamilya.
- Latest




















