^

PSN Showbiz

Kris pinahiga sa putikan

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Natulog pala si Kris Aquino sa dressing room nang minsang matulog sa kanilang condo ang ex-hubby nitong si James Yap. Kuwento ng TV host, may karapatan namang dun matulog ang dating asawa dahil conjugal home nila.

Naitsika rin ni Kris na nahirapan din siya sa shooting ng Dalaw dahil pinahiga siya sa putikan at hanggang ’di tumitirik ang araw ay tuluy-tuloy ang kanilang eksena.

Ang Dalaw ang isa sa ipinagmamalaking horror movie ng Queen of All Media.

Puring-puri naman ng aktres ang gumanap na anak niya sa pelikula na si Maliksi Morales dahil sa pagiging propesyonal at magaling ding umarte ng bagets.

Ang Dalaw ay entry sa darating na Metro Ma­­nila Film Festival at kasosyo rin dito si Kris bilang producer at ang manager nitong si Deo Endrinal.

*    *    *

Inamin ni Dolphy sa presscon ng Father Jejemon na magreretiro na talaga siya pero may offer pang dumarating kaya tinatanggap naman niya kaya nauudlot ang plano niyang mamahinga na sa showbiz.

Hanga sa kanya si Zsa Zsa Padilla dahil sa sobrang passion nito for acting.

‘‘Twenty one years na kaming nagsasama pero talagang hanga ako dahil sa pagiging dedicated niyang artista,’’ sabi ng live-in partner ng Comedy King.

Ang Father Jejemon ay mula sa panulat ni Bibeth Orteza at Rhandy Reyes, sa direksyon ni Frank Gray Jr. Ang pelikula ay entry ng RVQ Productions sa Metro Manila Film Festival simula Dec. 25.

*    *    *

PERSONAL : Pasasalamat kay Butch Ra­quel ng GMA (PR corporate communications head) dahil sa walang sawang pagsuporta sa Movie Writers Welfare Foundation (MWWF).

ANG DALAW

ANG FATHER JEJEMON

BIBETH ORTEZA

BUTCH RA

COMEDY KING

DEO ENDRINAL

FATHER JEJEMON

FILM FESTIVAL

FRANK GRAY JR. ANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with