^

PSN Showbiz

Anniversary Event ng P&G mapapanood sa linggo

-

MANILA, Philippines -  Isang ‘di malilimutang taon para sa nangungu­nang consumer goods company sa bansa, ang Procter and Gamble (P&G), ang 2010 dahil minamarkahan nito ang ika-75 na taon ng nasabing kumpanya.

Taas-noong ipinagdiwang ng P&G ang kanilang diamond anniversary sa pamamagitan ng isang Anniversary Gala para sa mga empleyado nito, mga alumni, mga trade at industry partners, mga kabalikat nito sa gobyerno, mga kaibigan mula sa media at academe. Bukod sa mga kapana-panabik na mga production numbers na naganap sa naturang gala, ang selebrasyon na iyon ay nagsilbing representasyon kung paano naging tapat ang P&G—ang kanilang brands at mga empleyado—sa mismong layunin ng kumpanya na patuloy na mapagbuti ang buhay ng bawat pamilyang Pilipino sa loob ng 75 na taon.

Malayo na ang pinagdaanan ng P&G. Nagsimula ang nasabing kumpanya sa Pilipinas noong 1935 nang palawakin nito ang international presence at in-acquire ng Philippine Manufacturing Company (PMC). Ito ang naging daan sa unang operations ng P&G Philippines sa Far East at pangatlo naman sa pinaka-matagal sa buong mundo.

Ngayon ay patuloy na gumagawa at namamahagi ang P&G Philippines ng mahigit 20 brands sakop ang 15 product categories.

Ang palagiang pagbabago o pagi-innovate ng kumpanya ang siyang naging daan ng P&G para manguna ito sa FMCG industry sa bansa na may corporate share na lalagpas pa sa 30%. At bilang pa­sasalamat sa pamilyang Pilipino na ibinigay ang kanilang tiwala sa kanilang mga produkto, handog ng P&G ang 15% na diskwento sa piling ng P&G brands sa mga supermarkets nationwide.

Sa ginanap na gala event, idiniin ng P&G ang kanilang commitment sa nation building. Inanunsyo ng kumpanya ang kanilang bagong P2.5 billion-peso investment sa bansa para sa pagpapalawak ng kanilang plant operations at sa patuloy na pagbibigay ng mga produktong mataas ang kalidad sa mga mamimili nito. Ipinahayag din ng P&G na dahil sa pagpa­palawak na ito, makakagawa ang kumpanya ng 100 na trabaho sa darating na dalawang taon.

Tapat din ang P&G sa corporate social responsibility program nito na P&G, Live, Learn, and Thrive.

Bilang bahagi sa kanilang ika-75 na anibersaryo, ang programang P&G Philippines Live, Learn, and Thrive ay magbibigay ng seven million pesos upang mapunuan ang kakulangan ng mga paaralan sa school supplies at silid-aralan. Tuluy-tuloy pa rin ang partnership ng P&G sa Gawad Kalinga para patuloy na mapabuti ang buhay ng mga kabataan sa P&G Community sa Baseco, Tondo.

 Mapapanood ang anniversary event ng P&G sa Sunday’s Best ng ABS-CBN ngayong darating na Linggo.

vuukle comment

AMP

ANNIVERSARY GALA

FAR EAST

G COMMUNITY

G PHILIPPINES

G PHILIPPINES LIVE

GAWAD KALINGA

KANILANG

PHILIPPINE MANUFACTURING COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with