^

PSN Showbiz

Pag 'di tumigil sa kalalamon Shaina may posibilidad na maging dabyana

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Buti naman at naisipan pang bumalik sa showbiz ni Janno Gibbs. Akala ko ay tuluyan na niyang iiwan ang showbiz.

Hindi ko alam ang status ng finances niya, kung siya ay nakapagtabi na ng milyones pero mayaman man siya o hindi, ang pag-aartista ang trabaho niya.

It’s good to see Janno back.

* * *

Hindi lang ako, marami ang nakakapansin ng sob­rang pagtaba ni Shaina Magdayao. Kitang-kita ito sa serye niyang Alyna. Tuloy, para siyang buntis, at napaghihinalaang buntis.

Kung hindi niya aawatin ang sarili sa pagkain, baka sa pagiging komedyante siya ma-assign sa halip na drama.

Aba, masasayang ang pagpupunyagi niyang maging isang mahusay na drama actress. Siya rin, baka mawala sa kanya si John Lloyd Cruz.

In general, gusto ng lalaki ang mga babae na may whistle bait figure. Ayaw nila ng Dabiana! Kaya Shaina if you still want to continue with your work, huwag kang magpataba.

Panoorin mo ang Alyna at talagang ang taba- taba mo dun! Baka masapawan ka pa ni Beauty Gonzales na ang laki ng iginanda. Kaya nga napapansin na humaba ang exposure nila ni Paul Jake Castillo sa series.

* * *

Isa pang nababalitang buntis ay si Denise Laurel. Huwag naman sana!

Ang ganda-ganda ng takbo ng kanyang career, bubulilyasuhin lang niya? Kung kailan tanggap na tanggap na ang loveteam nila ni Rafael Rosell at saka magkakaroon ng balitang hindi maganda sa kanya.

Kaya ba siya mawawala sa Kristine, eh ang loveteam nila ni Rafael at nina Cristine Reyes at Zanjoe Marudo ang poste ng serye, bakit babaguhin pa?

Ewan ko ba, parang ang gulu-gulo na ng takbo ng showbiz.

vuukle comment

ALYNA

BEAUTY GONZALES

CRISTINE REYES

DENISE LAUREL

JANNO GIBBS

JOHN LLOYD

KAYA

KAYA SHAINA

PAUL JAKE CASTILLO

RAFAEL ROSELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with