^

PSN Showbiz

Kim at Erich nag-aagawan kay Enchong

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Naglabasan ang balitang hindi na raw muna magtatambal sa mga projects sina Gerald Anderson at Kim Chiu. Ngayon ay maganda raw ang feedback at kilig na nararamdaman sa pagsasama nina Enchong Dee at Kim sa isang endorsement.

Nangangahulugan na kaya na sina Kim at Enchong na ang magtatambal sa mga susunod nilang proyekto? “Kung magtutugma sa schedule niya (Enchong) sa schedule ng Your Song, sana kung puwede. Kaibigan ko naman si Enchong, wala namang problema dahil nagkasama na rin kami sa ibang projects,” pahayag ni Kim.

Sa pagtatambal nina Kim at Enchong ay nagkaroon daw ng gap sa pagitan ng magkaibigang Kim at Erich Gonzales, totoo ba ito? “Hindi ah! Nagugulat nga kami, sabi namin, ano ba ‘yan? Iniintriga tayo sabi niya. Tapos ‘yung parang wala naman, tinatawanan lang namin ‘yun. Wala, hindi totoo,” natatawang kuwento pa ni Kim.

Matunog din ang balitang makakasama ng young actress sa mga susunod niyang projects ang Box Office King na si John Lloyd Cruz. “Wow! Sana! Siyempre John Lloyd Cruz ay isang magaling na aktor. Sobrang hinahangaan ng lahat at kung maka-trabaho ko naman siya, may matututunan ako sigurado,” pagtatapos pa ni Kim.

Mark Gil, proud kay Andi

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkasama sa isang project ang mag-amang sina Mark Gil at ang Heiress of drama na si Andi Eigenmann. Kaabang-abang ang pinakahuling episode ng Your Song Presents Andi dahil makakasama rin nina Mark at Andi si Sid Lucero.

Mapapanood ang episode na ito bukas ng hapon. Labis ang tuwang naramdaman ni Mark nang makasama niya sa isang TV project ang anak. “Noong lumabas ‘yung Your Song ni Andi and that way it was labelled as such heiress of drama, sabi ko wow! Good for her that’s a very big responsibility. Sinubaybayan ko, eight episodes. I was hoping na sana ay makasama ako one of those episodes and voila! Meron nga,” nakangiting pahayag ni Mark.

Magandang role ang ginampanan ni Mark dito, very challenging din daw ito para sa kanya. “When it comes to being a father, as long as not a bad father which I usually play. As long he’s a father with her makatotoong tatay, marami akong napaghuhugutan,” dagdag pa ni Mark.

Proud na proud si Mark sa achievements ni Andi sa showbiz ngayon. “I am very very proud of all my children. I am very proud of Sid and outcomes ng careers nila pero dito pa lang nag-uumpisa ‘yan. Nakikita ko binibigay ‘yung puso sa trabaho nila, ‘yun lang naman ang gusto kong makita sa kanila,” emosyonal pang kuwento ni Mark. - Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

ANDI

ANDI EIGENMANN

BOX OFFICE KING

ENCHONG

ENCHONG DEE

ERICH GONZALES

KIM

MARK

MARK GIL

YOUR SONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with