^

PSN Showbiz

Marian babalikan ni Richard

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nabasa namin ang tweet kahapon ni Annabelle Rama at ibinalitang may initial meeting na sila para sa Valentine movie ni Richard Gutierrez na co-produced ng Regal Films at GMA Films.

Walang binanggit na leading lady ni Richard si An­nabelle, pero lumutang ang tsikang si Marian Ri­­vera ang makakapareha uli ng aktor. Sila rin ang magkapareha sa Best Friend’s Girlfriend na kinagiliwan ng mga moviegoers at kumita pa. Ngayon pa lang, marami na ang natutuwa sa muling pagtatambal nina Richard at Marian.

Sabi, go signal na lang ng isang tao ang hinihintay ng kampo ni Marian bago nito tanggapin ang project. Binanggit sa amin kung sino ang taong ito, pero hindi muna namin isinulat ang name niya to be fair, tatanungin muna namin siya ha!

Aljur ‘di nakaporma kay Rhian

Matatapos ang Ilumina na hindi na-link sina Alj­ur Abrenica at Rhian Ramos dahil siguro bukod kay Rich Asuncion, na-link sa iba’t ibang babae ang aktor at ang pinakahuli ay may ABS-CBN star itong nililigawan.

Si Rhian naman ay steady na nali-link kay Mo Twister at nitong huli, inamin nang nasa ligawan stage na sila. Sa galing gumu­wardiya ni Mo na kahit ’di bumisita sa taping ng Ilumina, napi-feel ni Rhian ang presence sa pagpapadala ng food sa set, paano pa makakapanligaw si Aljur?

Nilinaw pala ni Aljur na friend ng brother niya si April ng Pinoy Big Brother na nali-link sa kanya and as for Rich, last month pa sila huling nagkita. Pero last week, may ka-date siyang non-showbiz na taga-Pampanga. Nangako itong aam­nin ’pag nagka-GF.

 Nagulat pala si Aljur sa nalamang sina Kris Bernal at Jay Perillo na. “Talaga, sila na?” gulat na gulat nitong reaction.   

Sakto front ACT ni David

Ang SAKTO trio nina Edgar Allan Guzman, Lucky Mark Mercado at Rodjun Cruz ang front act sa album launch dito ni David Archuleta na gagawin sa North EDSA Skydome sa Nov. 17, 6:00 p.m. Ang performance ng tatlo sa Fresh segment ng PO5 ang isa sa audition clip na ipinadala ng manager nilang si Noel Ferrer sa management ni David Archuleta.

Sasabayan ng SAKTO si David Archuleta sa pagpo-promote ng second album nitong The Other Side of Down dahil launching din nila ito as a trio.

Kakantahin din nila ang Rampa, ang composition ni Jungee Marcelo at carrier single ng kanilang six-track CD under Sony Music.

Tsika pala sa amin, sinabihan ang SAKTO not to take off their t-shirt at ’wag magsusuot ng leather jacket sa performance nila sa album launch ni Archuleta.

Dahil kaya ito na karamihan sa mga fans ni Archuleta ay bata at hin­­­di nga naman bagay kung mag­huhubad sila?

Namamasko po…

Finally, may title na ang Krisma­ser­ye na pagbibidahan ni Jillian Ward at ito’y ang Jillian : Namamasko Po at sa bagong teaser ng serye, ipinakita na ang mukha ng child star na mala-walking doll nga.

Sa Nov. 18, sisimulan ni Direk Mark Reyes ang taping at sa Nov. 29 naman ang pilot.

Bisi-bisihan si Direk Mark dahil siya rin ang director ng wedding special nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid na mapapanood sa GMA 7 sa Dec. 26. May Party Pilipinas pa siya.

vuukle comment

ALJUR

ARCHULETA

BEST FRIEND

DAVID ARCHULETA

DIREK MARK

DIREK MARK REYES

EDGAR ALLAN GUZMAN

ILUMINA

JAY PERILLO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with