Gerald naduwag
Hindi nagprisinta ang Bb. Pilipinas Universe na si Bianca Manalo para maging bida sa umaaribang panghapong teleserye ng ABS-CBN na Juanita Banana. Pinag-audition siya ng network, tiningnan ang kakayahan niyang magpatawa. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit ilang beses pa siyang inutusang umiyak at nang magawa niya at saka pa lamamg siya sinabihan na puwede siya.
“I just want to be more than just a beauty queen. I’d like to make a difference, ’yung beauty queen na marunong umarte at hindi pang-dekorasyon lang. sabi ng itinuturing na isa sa biggest stars of 2010.
Hindi first time na magkatrabaho sina Bianca at Rodjun Cruz. Una silang nagkasama sa Magkaribal. Naiilang nung una ang guwapo ring kapatid ni Rayver Cruz. Hindi kasi niya alam kung paano siya tatratuhin ng beauty queen. Baka hindi siya nito pansinin.
“Mabait siya. Mabilis gagaan ang loob ng kahit sino sa kanya,” sabi ng binata na isa sa dalawang leading men ni Bianca.
Nakuha ito hindi dahil isa itong Cruz at ang tiyuhin niyang si Ricky Belmonte ang bida sa Juanita Banana nung unang mapanood ito sa pelikula, kasama ni Rosemarie Sonora. Kinuha si Rodjun para sa serye dahil physically, bagay sila ni Bianca.
Hindi ba siya nai-insecure sa kanyang kapatid na kasabay niyang nagsimulang mag-artista pero malayo na ang naabot ng career?
“Walang kumpetisyon sa amin ni Rayver. We support each other, proud ang parents namin sa aming achievements. Suwerte-suwerte lang ’yan. Nauna na siya kaya I’m happy for him, we’re all happy for him,” sabi ni Rodjun.
* * *
Sayang naman ang Gerald Anderson/Bea Alonzo romance, hindi pa man napapatunayan ay nabuwag na agad?
Kung sabagay, mabuti na ito kung talagang gusto ng matahimik na buhay ng dalawang may relasyon.
Nakalulungkot lang dahil hindi nila nagawang ipakipaglaban ang kanilang pag-ibig na ewan ko kung love nga dahil bakit kaya itong buwagin ng takot lamang sa mga fans at ng malaking threat sa kanilang careers?
Marami nga ang hinahamon at tinatanggap maging ang kamatayan para mapatunayan ang kanilang pag-ibig pero sila, maski aminin man lang ang kanilang relasyon ay hindi nila nagawa! Dapat lang talaga na mag-break na lang sila!
- Latest





















