^

PSN Showbiz

Toni ayaw nang paawat

-

MANILA, Philippines - Hindi pa rin paawat sa pagbongga ang career ni Toni Gonzaga dahil bukod sa sunud-sunod ang kanyang mga projects, sunud-sunod din ang natatamong nominasyon ng TV host-actress sa iba’t ibang award-giving bodies sa industriya.

Kamakailan ay ipinahayag na nominado si Toni sa nalalapit na PMPC Star Awards for TV sa mga kategoryang best female showbiz-oriented host para sa E-Live, best female TV host para sa ASAP XV, at best reality program host para sa PBB Double Up.

“Nakaka-inspire talaga kapag napapansin ka o ’yung ginagawa mo. Sa halip na ma-pressure ay mas nagpupursige ako sa trabaho ko,” sabi ni Toni.

Todo kayod nga si Toni lalo pa’t busy siya linggu-linggo sa programa niyang ASAP XV, at The Buzz. Ginagawa niya rin ang kanyang first ever movie with John Lloyd Cruz na My Amnesia Girl.

“Thankful at grateful ako na may trabaho na available para sa akin. Napakalaking honor na ma-consider ka sa show so do your best and prove to everyone that you deserve the opportunity that was given to you,” sabi ni Toni.

Patuloy pa rin ang taping ng kanyang top-rating primetime fantaserye with a heart na Kokey@Ako. Bago mag-drama, tumawa, at maki­saya na kasama ang pamilya at tunghayan ang mas gumaganda pang kuwento nito.

Gagawin nga lahat ni Jackie (Toni) mapatunayan lang na siya ang tunay na Princess at hindi si Lois (Wendy Valdez) sa kanyang lola na si Madam Barbara (Gloria Romero).         

Samantala, matutuklasan naman ni Josa (Melai Cantiveros) ang pagpapanggap ni Belat habang matutuklasan din ng mga kukurikabukans ang katauhan ni Princess. Ngunit sa kabila nito, bakit si Kekay na ang hinihingi ng mga alien kay Belat? Ano ang pakay nila sa nakababatang kapatid ni Kokey?

Abangan ngayong lang ang Kokey@Ako, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Kapamilya Blockbusters, sa ABS-CBN.

vuukle comment

DOUBLE UP

GLORIA ROMERO

JOHN LLOYD CRUZ

KAPAMILYA BLOCKBUSTERS

KOKEY

MADAM BARBARA

MELAI CANTIVEROS

MY AMNESIA GIRL

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with