^

PSN Showbiz

John walang konsiderasyon sa nararamdaman ni Shaina

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Huwag din nating husgahan ang pag-ayaw ni Jovit Bal­divino na mag-aral sa La Salle. Naalangan kasi siya dahil sosi raw ang eskuwelahang ito at isa lamang siyang probinsiyano na nagkasuwerteng manalo ng pera na ipang­tutus­tos niya sa kanyang pag-aaral ng mechanical engineering.

Kundi pa dahil sa Pilipinas Got Talent, hindi pa niya maipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral na nahinto dahilan sa kahirapan.

Madalas ang singing tour ni Jovit, kasama ang ilang Kapamilya artists. Naka­kapag-abroad na siya at nakakapunta sa mga lugar na dati ay nakikita la­mang niya sa mga babasahin at magasin. Umangat na rin ang kanilang buhay. Nang­hi­hi­nayang nga siya na umikli ang pagpapalabas ng Idol na kasama niya ang mga iniidolong sina Sarah Geronimo, Sam Mil­by, at Coco Martin. Looking forward siya na mabig­yan muli ng serye na katulad ng Idol.

* * *

Hindi ko pa nga pala nababati ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos sa pagsilang ng kanilang anak na si Lucho. Bilib ako kay Juday ha, isa siya sa kakaunting nagno-normal delivery, kara­mihan kasi ay nanganganak via caesarean section.

Suwerte ang baby nila because this early, ang dami nang may plano na ipag-endorse ito ng mga produkto nila. Pero siyempre, kailangan nilang maghintay ng pa­nahon na papayagan na ito ng parents. Kung si Juday magpapahingang pansa­mantala para mabig­yan ng panahon si Lucho at ipag­ka­katiwala ang pagtatrabaho kay Ryan, obvious namang hindi nila agad papayagang mag-commercial ang anak nila. Kung kailan bahala sila. Pero ang sigu­rado, not too soon.

Mukha namang suwerte si Baby Lucho kay Daddy Ryan. Ratsada ang career nito kaya kung gugustuhin ni Juday, puwede na rin siyang mag-retire, in favor of marriage and motherhood.

* * *

Sino nga namang girlfriend ang hindi magseselos kapag nalaman niya na pa­tuloy pa rin na tinatawagan ng boyfriend niya ang ex nito? Lalo na sa kaso nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao na napaka-controversial nang pinag­daanan bago pa inamin ng aktor ang relasyon nila.

’Tapos heto at malalaman mo na sa halip na mata­pos na ang intriga sa kanila ni Ruffa Gutierrez ay mas lumalala pa dahilan sa patuloy na pakikipag-ug­nayan nito sa dating girlfriend. And we expect Shai­na to take this without a word? Nakapagtataka ba kung komprontahin niya si Lloydie? At bantayan ang bawat kilos nito?

I symphatize with Shaina na dapat talaga putulin na ang ugnayan ng dalawang mag-ex (Lloydie at Ruffa) for her peace of mind. Kahit na gaano pa ka-ino­sente ang komunikasyon nila. John Lloyd, please stop calling and texting Ruffa. Ikaw naman Ruffa, stop answering his calls or texts. Be considerate naman sa feelings ng current girlfriend mo.

vuukle comment

BABY LUCHO

COCO MARTIN

DADDY RYAN

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

JOVIT BAL

JUDAY

RUFFA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with