^

PSN Showbiz

Dahil sa rami ng utang, Katrina tinatanggap na lang kahit anong role

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Kung wala lang sigu­rong binabayaran buwan-buwan, hindi na lalabas ng bahay si Katrina Halili. Pero dahil umaabot sa P400,000 ang mga bina­ba­ya­­­­ran niya mula sa hu­log sa bahay, kotse at kung anu-ano pa, napipilitan siyang tumanggap ng pro­j­ects.

Naawa kami sa linya nitong “halos ayaw ko nang lumabas ng bahay at ‘pag nasa set ako, sa van lang ako. Pinupuntahan na lang ako ng friends ko sa bahay, kaya nila ako nakikita. Ayaw kong mag-guest sa mga talk show dahil alam ko ang mga ita­tanong sa akin. Aakting na lang ako, ‘wag na sa mga talk show. Naka-move on na ako sa nangyari, pero nasa healing process pa rin ako,” banggit ni Katrina nang huli naming maka­usap.

Ang bayarin daw ang rason kung bakit hindi siya mapili sa role na ginagampanan at kahit su­nud-sunod na kontrabida ang mga papel, okey sa kanya. Kontrabida uli ni Iza Calzado ang role niya sa Beauty Queen na magpa-pilot bukas sa direc­tion ni Joel Lamangan.

Aktres Ayaw Amining Nagpapa-Botox Twice A Year

Sa ibang reporters, ‘pag tinatanong ang isang ac­tress kung kasama ang pag­­­­papa-botox sa rason kung bakit younger looking pa rin siya kahit may edad na, mariing “no” ang isina­sagot nito. Healthy li­ving, exercise, right food ang mga binabang­git nitong dahi­lan kaya bata pa rin ang hitsura niya.

Sa mga kaibigang reporter, inaamin ng actress na nagpapa-botox siya, in fact, twice a year siya suma­sailalim sa procedure na ito, pero nakiusap na ‘wag na lang isulat dahil sa ibang skin clinic yata siya nagpa­pa-botox at hindi sa kaibigan niyang may skin clinic.

Paano na lang ‘pag nabuking ng kaibigang may skin clinic kung saan nagpapa-botox ang actress, awa­yin kaya siya ng kaibigan at maging end ng ka­nilang friendship? Sige na nga, hindi na rin namin ibu­­buking ang actress.

* * *

Tawa nang tawa sina direk Gina Alajar at Gab­by Eigenmann sa biro ng press na pinagtulungan nila ang kapatid ni Gabby at niece-in-law dati ng actress-director na si Andi Eigen­mann dahil kata­pat ng Your Song ang Reel Love Pre­sents… Tween Hearts na si Gina ang director at isa sa cast si Gabby.

Ang alam ni Gabby, sila ang tinapatan ni Andi at ba­lita rin niya, after mag-guest ni Jaclyn Jose sa show ng anak, maggi-guest din ang ama nitong si Mark Gil at ang kapatid na si Sid Lucero. Bawi ni Gab­by, sila ng tita Gina niya ang pinagtutulungan at agree itong Eigen­mann vs. Eigenmann ang labanan sa Sunday afternoon TV.

Natutuwa si Gabby sa mga bagets cast ng Tween Hearts na lahat may potential sumikat, ‘wag lang daw lalaki ang mga ulo, maging professional at maging punc­­tual. Tiyak din siya na may magkakaligawan sa nine cast members.

Tapos na ang Endless Love last Friday at umaasa si Gabby na matutuloy na siyang dalhin ng GMA Pinoy TV sa States dahil hindi na siguro galit sa kanya ang fans ni Marian Rivera. Dapat kasama si Gabby sa epic seryeng Maharlika ni Ma­rian, pero puro mo­re­nong actor ang kailangan kaya ‘di siya natuloy. Bas­ta available siya kahit anong project ang ibigay sa kanya.

vuukle comment

AKO

AKTRES AYAW AMINING NAGPAPA-BOTOX TWICE A YEAR

ANDI EIGEN

BEAUTY QUEEN

EIGENMANN

ENDLESS LOVE

SHY

SIYA

TWEEN HEARTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with