^

PSN Showbiz

Kapuso actress itinatago ang tattoo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Mukhang nauuso sa Kapuso female stars ang magpa-tattoo at ilan sa kanilang nakita naming may tattoo ay sina Lovi Poe, Maxene Magalona, Glaiza de Castro, at Iwa Moto. Iyung ibang may tattoo, itinatago, gaya ng isang very sweet actress na nasa left ankle ang tattoo at natatakpan ng sapatos, kaya hindi obvious.

Isa pang sikat na Kapuso actress ang nadiskubreng may tattoo at kahit hindi sweet ang image nito, ikinagulat pa rin namin ang pagkakaroon ng tattoo sa likod ng left ankle. Naalala naming may tattoo ang BF nito at naisip na baka usapan nila ito ng nobyo, hindi kaya?

Gwen Isang Taong Nag-Vtr At Nag-Go See Bago Nagka-Career

Sa rami ng bansang binanggit ni Gwen Zamora na tinirahan niya, hindi na namin isinulat at hindi pa kasama rito ang pinuntahan niya bilang turista. Sa Bangkok siya nag-graduate ng Drama & Arts, at tumira sa Beijing, pero sa ‘Pinas lang daw siya naging feel at home.

Kinuwento rin ng GMA Artist Center talent na hindi naging madali sa kanya ang mag-artista dahil one year siyang nag-VTR, nag-workshop at nag-go see bago kinontrata ng GMA 7. Worth it ang paghihintay ni Gwen dahil may Grazilda at Bubble Gang siya at leading lady ni Vic Sotto sa Agimat ni Enteng.

Nabanggit ni Gwen na may nagti-text sa kanyang Kapuso talent na nakilala niya nang makasabay mag-guest sa Full Time Moms. Ayaw niyang mag-assume na liligawan siya nito lalo’t kamukha niya ang ex-GF nito dahil kailan lang sila nagkakilala. Basta sure siyang type niya ang matatangkad na guys at matangkad ang lalaking ito.

Binanggit ni Gwen ang name ng guy, pero ni-request na ‘wag naming isusulat ang name nito, next time na ma-interview namin siya, magpapaalam kami kung puwede itong pangalanan.

Away Nina Angel At Glaiza, Hindi Natuloy

Nabasa namin ang palitan ng tweets nina Angel Locsin at Glaiza de Castro na iniintriga ngayon at pinag-aaway dahil magkatapat ang respective shows nila. Ang Imortal ni Angel sa ABS-CBN at Grazilda ni Glaiza sa GMA 7.

Kantiyawan ang fans ng dalawa kung kaninong soap ang mas maganda at mas pinapanood, kaya para hindi na lumaki ang isyu, nag-tweet sina Angel at Glaiza na nagkasama sa Asian Treasures noong nasa Channel 7 pa si Angel.

Sabi ni Angel, “yes, magkatapat ang shows namin, pero gusto ko si Glaiza, ‘di po kami nag-aaway at ‘di mag-aaway dahil sa show” at sinundan pa ng “basta, tayo bati, ‘wag na nating pansinin ang ibang walang gusto kundi away. Smile na lang sister.”

Sumagot si Glaiza ng “tumpak! Kaya relax lang tayo lahat” at sinundan ng “wag tayo magpaapekto sa mga gustong manira ng samahan.”

Joem Napagkamalang Si Piolo Ni Gabby

Kahit si Gabby Concepcion, napansin ang malaking hawig ng co-star niya sa White House na si Joem Bascon kay Piolo Pascual. Una niyang nakita ang actor sa premiere ng Noy at akala niya’y si Piolo ang nakita. Hindi lang daw kamukha, magaling din itong umarte.

Si Gabby naman ang nagulat sa nalamang favorite siya ng mom ni Joem at ipinangako nito sa ina na makakasama niya sa pelikula. Ikinatuwa rin ng actor ang good words sa kanya nina Joem, Mo Twister, at Iza Calzado pati ang ibang kasama sa cast ng White House na showing sa October 20.

 “Pasalamat ako kina Mother Lily at Manny Valera for giving me this project at na-experience ko working with them dahil walang maere at walang pa-istar. Maganda ang pelikula namin at magaling si Topel Lee, tahimik lang, pero malalim ang pinaghuhugutan.

“Hanga ako sa kanya, lalo na nang mapanood ko ang movie noong nagda-dubbing ako. Matatakot talaga ang manonood nito,” paniniguro ni Gabby.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ARTIST CENTER

ASIAN TREASURES

GLAIZA

GWEN

KAPUSO

NAG

NIYA

WHITE HOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with