^

PSN Showbiz

James Yap itinanggi ni Isabel Oli

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Mabilis na itinanggi ni Isabel Oli ang tsismis sa kanila ni James Yap na nag­simula nang makita sila sa isang mall, ang twice na pagdi-date at ang pa­no­nood daw niya ng basketball dahil sa ama ni Baby James.

Nagtataka si Isabel kung bakit sila lang ni James ang na­bang­git, gayung kasama niya that time ang dini-date niyang non-showbiz guy. Magkakilala raw silang dalawa at pareho pang Bisaya, kaya natural lang na magbatian nang magkita sa mall.

Hindi rin si James ang rason kung bakit na­ki­kita siyang nanonood ng basketball at hindi ang team nitong BMEG Derby Aces ang kanyang tsini-cheer kundi ang Welcoat, kung saan nagtatrabaho ang bro­­ther niya at galing dito ang tiket na ginagamit niya.

Samantala, wala na sa list ng GMA Artist Cen­ter ang name ni Isabel, ibig sabihin ba nito out na siya sa GMAAC kaya wala na siyang project sa GMA7?

Asawa ni Angelu ‘di pa sanay sa showbiz

Hinanap ng press kay Angelu de Leon sa press­­­con ng Koreana ang mister nitong si Wowie Rivera, pero hindi raw ito sumama dahil hindi pa sanay sa show­biz. Sabi ng aktres, makikita rin ng press ang husband niya ‘pag nasa­nay na sa kan­yang trabaho.

Ibinalita na rin ni Angelu na aalis silang mag-asawa sa October 19 for Europe para sa kani­lang proper honey­­moon dahil mula nang ikasal, hindi pa sila nag­ha-honey­moon dahil pareho silang naging busy. Siya ay su­mabak sa taping ng Koreana, kung saan gina­gam­panan ang role ng mother ni Jenna (Kris Bernal).

Unang nagkasama sina An­gelu at Kris sa Little Prince at ‘dun ay inapi niya ang young ac­tress pero ngayon ay mag-ina sila. Bukas, af­ter Trudis Liit ang pilot ng Ko­reana na puno ng iya­kan, drama, con­frontation at kung anu-ano pa.

Si Gil Tejada, Jr., ang director nito.

Magaling na aktor sinasayang ang buhay

“Wasted” ang description ng isang reporter sa hit­sura ng isang magaling na actor nang makita min­san sa may T.Morato. Ayaw lang deretsahin ng repor­ter ang naiisip na bisyo na pina­su­kan ng magaling na actor, pero sana raw malaman ng pamilya nito at ng GF ang pinaggagawa para tumigil at matu­lungan.

Magaling, may trabaho at may lovelife ang actor, may kina­laman siguro sa nasira niyang pamil­ya ang ma­laki nitong prob­lema kaya kung anu-ano ang ginagawa.

Sobrang pumayat daw ang actor nang makita ng reporter.

Barbie sa Sogo na lang nagpapalipas ng magdamag pag sobrang pagod                                                                                      

Si Barbie Forteza pala ang natsikang young star na nagtsi-check in sa Sogo with her parents at nang­yayari ito ‘pag hindi na sila nakakauwi ng Laguna ‘pag sobrang pagod. Ku­muha ng condo unit si Barbie sa may New Ma­nila, kaya hindi na siya mangangarag kahit mag­da­­ma­gan pa ang taping ng Reel Love Pre­sents…Tween Hearts at shooting ng Agimat ni Enteng.  

Samantala, sa third week ng Tween Hearts, bad trip si Josh (Joshua Dionisio) kay Bambi (Bar­bie) dahil sa pagkaka-trip nila sa outpost.

ANGELU

ARTIST CEN

BABY JAMES

BARBIE

DERBY ACES

ISABEL OLI

SHY

TWEEN HEARTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with