^

PSN Showbiz

Kaberdehan ni Rico nakakalusut!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

With Rico Puno around, walang show, lalo’t live ang hindi magiging masaya. Pansin ko nga na kahit madalas ay binubusalan siya, maybe not literally, kun­di sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapa­re­hong role sa mga kasamahan niyang sina Marco Sison, Rey Valera at Nonoy Zuniga para maba­wasan ang sasabihin niya pero, madalas naka­ka­lusot pa rin siya. Masyado nang nasanay si Rico sa pagbibigay ng mga berdeng salita kung kaya hindi mo na ito matatanggal sa kanya. It’s fun pero, natu­tuwa rin kaya ang MTRCB? Lalo’t katanghalian kung umere ang Pilipinas Win Na Win?

Manood pa tayo at tingnan natin kung hanggang saan mapapayagan ang istilo ng pagpapatawa ni Rico J.

Ilangan ‘di nakakataka

Nakapagtataka ba kung magkailangan sina Kim Chiu at Gerald Anderson sa shooting ng movie nilang Till My Heartaches End? Isa itong love story at kahihiwalay lang nilang dalawa. Kahit ano pang sabihin na okay na sila, hindi mapasusubalian na isa na lamang silang tandem at hindi na loveteam.

Anumang paliwanag ang gawin nila, may epekto ito sa pagpapareha nila. Puwera na lamang kung talagang napakagagaling na nilang artista at kaya na nilang pekein ang kanilang damdamin para sa kapa­kanan ng kanilang pelikula.

That’s ibalik

Sana nga mapagbigyan ng GMA 7 ang ka­hilingan kong ma-revive ang That’s Entertain­ment. Ipinaabot ko na sa pinaka-big boss ng network ang aking request at inaasahan ko na ang pag-aaral na gagawin niya sa aking kahili­ngan ay maging pabor sa akin.

Marami rin naman akong nadiskubreng artista na naging malalaking pangalan at hang­gang ngayon ay pinakikinabangan pa rin sa pelikula at maging sa telebisyon.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

KIM CHIU

MARCO SISON

NONOY ZUNIGA

PILIPINAS WIN NA WIN

REY VALERA

RICO J

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with