^

PSN Showbiz

Geoff natatakot masingitan kay Carla

- Veronica R. Samio -

You’d probably think na pini-pick up na lamang ang mga hayop na kinukuha para lumabas sa ma­ra­ming pelikula o palabas sa TV, depende sa kung ano ang nalalaman nila o kayang ibigay para sa gagam­panan nilang role.

Sa serye na sinimulan kahapon sa GMA 7 na Ban­­tatay, isang aso ang kumuha ng lead role. Sa kanyang katawan papasok ang kaluluwa ni Raymart Santiago making him perhaps the cleve­rest dog in the current local showbiz scene. Biruin mo, isang aso na mag-iisip at gagalaw na parang isang tao. Isang aso na magsisilbing bantay ng isang pamilya.

Hindi naging madali ang pag-aartista ni Charlie, isang dalawang taong Labrador na inaalagan ng isang trainer na nagngangalang Dennis Javier. Kina­ila­ngan pa nitong pumasa sa isang audition para ma­kita kung makakaya niya ang magiging demands ng kanyang role.

May mga nakasabay siya sa audition na katulad niya ay magaganda ring aso, mga foreign breed, pero nakuha ni Charlie ang simpatiya.

Bago ang pormal na pagsalang ni Charlie sa ka­mera ay dumaan ito sa tatlong buwang pagsa­sanay.

Ikinagiliw kay Charlie ng kanyang mga co-ac­tors sa Bantatay tulad nina Raymart, Gelli de Be­len, Jen­nica Garcia, Krystal Reyes, Sweet Ra­mos ay ma­dali siyang naka-adjust sa kanila. Sila ang madalas niyang makakaeksena. At ease siya na kasama sila at hindi kinakitaan minsan man ng kabalisahan o rest­less­ness sa piling ng iba pang bago niyang kakilala.

*   *   *

I’m sure na-realize na ni Buwi Meneses, isa sa mga tribal leader sa ginaganap na Survivor Philippines Cele­brity Showdown ang kanyang pagkakamali nang desisyunan niyang tanggalin si Doc Ferds Recio in favor of Myka Flores dahil napilay ang kan­­yang grupo. Nanaig ma­rahil sa kanya ang takot na masapawan ng sikat na beterinaryo kung kaya kahit kinakailangan pa nila ang serbisyo nito ay inalis pa rin niya. ‘Yun pala ay ipa­ma­mahala niya kay Elma Muros ang pag­­sa­sagawa ng isang challenge na dapat ay siya ang gumawa dahil dadalawa na lamang silang lalaki ni Mico Aytona na naiwan.

Nakakahiya! Pero diskarte niya ‘yun, siyempre bago ang grupo, ang sarili muna niya ang dapat niyang alalahanin. At walang patas na desisyon o laban ang maaasahan kapag milyon na ang nakataya, ito ang tatanggaping premyo ng mananalo.

*   *   *

Mas tinututukan ni Geoff Eigenmann ang panliligaw niya kay Carla Abel­lana ngayong magkahiwalay ang ginagawa nilang proyekto. Dulot marahil ito ng takot na baka may makasingit pa sa kanya sa puso ng magandang aktres. Kahit aba­la ay nagawa pa rin niyang sorpresahin ito nang bigla ay dumating siya ng Bora­cay na kung saan ay pansamantalang namamahinga ang aktres bago tuluyang sumabak sa kanyang trabaho.

Ikinatatakot marahil ni Geoff ang pangyayaring hindi pa siya sinasagot ng dalaga. Kung girlfriend na niya ito ay mas mapapanatag ang kanyang loob, na wala nang maari pang umagaw sa puso nito, kaya naman gusto niyang makasiguro.

Pero wala pa sa isip ni Carla na mag-boyfriend. Mas focused ito sa kan­yang career pero hindi naman niya ipinaglilihim na si Geoff ang pinaka-masugid niyang manliligaw, na kung makikipagrelasyon siya ay dito na. Pero hanggang sa ngayon, naghihintay pa rin ang binatang aktor.

vuukle comment

BUWI MENESES

CARLA ABEL

DENNIS JAVIER

DOC FERDS RECIO

ELMA MUROS

ISANG

NIYA

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with