^

PSN Showbiz

Pag-iyak ni Toni 'di maintindihan!

- SEEN SCENE -

Seen : Ang pag-iyak ni Toni Gonzaga sa The Buzz noong Linggo dahil sa tampo niya kay Mariel Rodriguez. Hindi naka-relate kay Toni ang manonood dahil hindi niya sinabi ang dahilan ng pagtatampo niya kay Mariel.

Scene : May mga naasiwa sa pagsasayaw ni Robin Padilla ng Tayao, ang native dance ng Ibaloi tribe. Hindi ma-imagine ng mga tao na sumasayaw ng Tayao ang sikat na action star na gaya ni Robin.

Seen : Naghahanap ang ABS-CBN ng litrato ni Willie Revillame na nasa aktong pumipirma ng kontrata sa TV5 dahil ito ang kanilang gagamitin na ebidensiya na nag-breach of contract ang host ng Wowowee. Walang makita ang ABS-CBN dahil mga litrato lamang na magkasama si Willie at TV5 owner Manny Pangilinan ang lumabas.

Scene : Masipag mag-promote ng Kokey@Ako sina Kokey at Kekay ngunit hindi sync sa kanilang mga kilos ang boses na ginamit nila sa mga promo guesting.

Seen : Mataas ang rating (6.4%) ng initial telecast ng Asar Talo Lahat Panalo noong Sabado. Tinalo ng bagong game show ni Edu Manzano ang kalaban na programa.

Scene : Nakakairitang panoorin ang TV interviews kay Melai Cantiveros dahil hindi niya sineseryoso ang mga tanong sa kanya.

Seen : Well-photographed ang mga contract artist ng Star Magic sa 2011 Star Magic Catalogue. May mga solo picture ang mga big star ng Star Magic at magkakasama sa group picture ang mga lesser star.

 Scene: Mas bagay kay Sid Lucero ang role ni Jason Abalos sa Alyna. Pinagpalit dapat ang mga papel na kanilang ginampanan. Hindi believable na mayaman si Jason sa Alyna.

vuukle comment

ALYNA

ASAR TALO LAHAT PANALO

EDU MANZANO

JASON ABALOS

KOKEY

MANNY PANGILINAN

MARIEL RODRIGUEZ

MELAI CANTIVEROS

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with