^

PSN Showbiz

Endless Love ilalagay na sa video!

-

MANILA, Philippines - Siguradong magiging mas masaya at kagana-gana ang home viewing ex­pe­rien­ce ng lahat dahil sa mga panibagong handog ng GMA Records and Home Video.

Una sa listahan ang ika-apat at pinakabagong version ng Chef Mom Rose­bud’s Quickfire 10-minute Kitchen Wonders. Seafood ang tema ng volume na ito na naglalaman ng 12 pawang masa­sarap, masusustansiya at madadaling ga­win na recipes mula mismo sa programang Quickfire ng Q Channel 11. Ilan sa mga ito ang King Crabs with Garlic Chilli Sauce, Tequilla-Spiked Clam Pasta, Tri-Pepper Seared Tuna, Cocktail Prawns with Strawberry and Bal­samic Sauce, at marami pang iba!

May kasama pa itong free recipe booklet upang mas lalong padaliin ang pag­sunod sa step-by-step recipe guide na hatid ng maganda at mahusay na chef mom Rosebud Benitez. Ang Chef Mom Rosebud’s Quickfire 10-minute Kitchen Wonders ay mula sa Q Channel 11 at AJI-NO-MOTO Umami Seasoning.

Samantala, mabibili na rin sa DVD ang pinagmamalaking first reality sitcom on TV ng GMA 7 na Pepito Manaloto. Tinatampok sa programang ito ang three-time Asian TV Award-winning co­me­dian Michael V. bilang si Pepito, isang dating mahirap na sinu­wer­teng manalo ng P700 million sa lotto. Balik-balikan ang mga naka­katuwa niyang pakikipagsapalaran bilang isang bagong milyonaryo sa Pepito Manaloto DVD collection.

Mula comedy, ilulunsad din ang Pinoy version ng Koreanovelang Endless Love. Pinagbibidahan ito nina Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang Johnny at Jenny, kasama rin si Dennis Trillo bilang Andrew. Ang completing DVD collec­tion ng Endless Love ay nakatakdang ilabas ngayong last quarter ng taon.

Isa pang dapat abangan ang latest album ng King of Soul na si Janno Gibbs na may titulong Janno G. The Anthology. Magla­laman ito ng mga greatest hits ni Janno tulad ng Ipagpatawad, Fallin, I Believe in Dreams, Ikaw Lamang, Bini­bini, Almost Over You at If Not In Love. Mabibili ito ngayong huling quarter ng taon kasabay nang nalalapit niyang concert.

Ang mga nabanggit na panibagong releases ng GMA Records and Home Vid­eo ay mabibili sa SM Music Box, Odyssey, Astroplus, and Astrovision outlets nationwide.

vuukle comment

ALMOST OVER YOU

ANG CHEF MOM ROSEBUD

ENDLESS LOVE

KITCHEN WONDERS

PEPITO MANALOTO

Q CHANNEL

QUICKFIRE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with