^

PSN Showbiz

Mark Herras sinasagad ang sarili sa trabaho

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Ako ang malabis na nanghihinayang sa naudlot na relasyon nina Cristine Reyes at Rayver Cruz. Pero siguro talagang sa pagkakaibigan lamang ang tadhana nilang dalawa.

Mabuti na lamang at hindi sila naging magka­away, yun nga lang pati closeness nila bilang friends ay kailangang mapigil nila, lalo na si Cristine sa takot na mapagbintangang inaakit si Rayver.

* * *

’Di tulad ng mga kapwa niya babae na naging biktima rin ng sex video pero nagpasyang mana­himik na lang para siguro makaiwas sa iskandalo at madaling makalimutan ang isyu, minarapat ni Katrina Halili na patuloy na usigin ang taong nag­kasala sa kanya kahit na sa proseso ay ginagawa niya uli ang sarili niya na target ng mga hindi ma­gandang usapan at sentrong muli ng tsismis.

Walang pagsisising nadarama ang aktres sa na­ging desisyon niya. Ang mga pag-uusap na ti­nanggap niya noon ay napalitan ng paghanga dahil sa kanyang patuloy na pag-usig sa lalaking may atraso sa kanya. At hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang hustisyang hinihingi niya.                                           

* * *

Inisip ko kung bakit nagpapakapagod naman ng husto si Mark Herras eh kabinata at kabata niyang tao? Ang dapat sa kanya ay isinasabay ang trabaho sa pag-aaliw, hindi ’yung puro kayod lang.

There will be plenty of time for that — kapag nag-asawa na siya’t nagkaroon ng pamilya. Pero habang binata siya, mag-enjoy siya dahil kung hin­di baka kung kelan siya may pamilya na at saka niya balikan ang mga na-miss niya sa kabataan.

Minsan lang siyang maging bata kaya samantalahin niya.

* * *

Aba not all is well pala sa romansa nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Hindi man kumikibo ang mga dalaga ni Binoe, ang bunso niyang lalaki naman ang nagrereklamo na napapabayaan niya. Tuloy kinukuha na ang mga ito ng ina nila na nasa Australia para maalagaan niya.

Tama lang na magreklamo ang ina ng mga bata dahil ang sangkot ay mga anak niya. Wala naman itong pakialam sa mga pinaggagagawa ni Robin kahit pa may iniwan itong pangako sa kanya na hinding-hindi muna ito mag-aasawa at aasikasuhin ang apat nilang anak.

Pero ngayong sumira si Binoe sa kanyang pangako, kunin nga kaya ni Liezel Sicangco ang mga bata at ibigay naman kaya sa kanya ni Robin ang mga ito?

vuukle comment

CRISTINE REYES

KATRINA HALILI

LIEZEL SICANGCO

MARIEL RODRIGUEZ

MARK HERRAS

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with