^

PSN Showbiz

3 istorya sa kaSAYSAYan contest napili na

-

MANILA, Philippines - Ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) ay nakapili na ng mga nagwaging istorya (scripts) sa kaSAYSAYan’ Histo­rical Scriptwriting Contest noong nakaraang linggo.

Sa rami ng mga lumahok sa Pilipinas hanggang sa ibang bansa at mahigpit na pagsasala ng mga hura­do, tatlo lang ang napili sa mga ito.

Ang Balangiga ni Jose F. Lacaba ang nasa top spot para sa full-length screenplay na kategorya. Ika­la­wang napili ang Nan Hudhud Hi Apo Ilyam (Apo Ilyam’s Hudhud) ni Floy Quintos. Ang istor­yang Whirl­winds of Dust: The Fall of Antonio Luna ni Eduardo Rocha at ng pumanaw na si Henry Fran­cia (inirepresenta ng pamangking si Amos) ang pangatlo.

Ang nasa panel na mga hurado na pinamunuan ni Sen. Edgardo Angara ay bumilib din sa isinumite ni Arnel Mardoquio, ang Mangulayon kaya nabig­yan ito ng Special Mention prize dahil sa pag-angat sa Mindanao. Dalawa lang ang istorya na natang­gap ng FDCP na nagprisinta sa Islamic region mula sa Mindanao mismo.

Sa mga naipadalang script, naging ordinaryong paksa ang tungkol sa Katipunan, bio-pics at maka­say­sayang lugar, Filipino-American war, World War II, at ang pagdating ng mga Hapon.

Bukod sa mga natanggap na cash prizes, may po­sibilidad na maisalin sa pelikula ang mga nagwaging istorya.

Ang kaSAYSAYan’ Historical Scriptwriting Contest ay binuo noong Pebrero bilang pagkilala sa darating na 2011 na puno ng mga gawain na may kinalaman sa Philippine history — ang pagdiriwang ng ika-150 taon ni Jose Rizal, ang ika-65 taon ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Amerika, at ang 25 taong aniber­saryo ng People Power Revolution.

vuukle comment

ANG BALANGIGA

ANG FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES

APO ILYAM

ARNEL MARDOQUIO

EDGARDO ANGARA

EDUARDO ROCHA

FALL OF ANTONIO LUNA

FLOY QUINTOS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with