^

PSN Showbiz

Madonna at President Obama darating sa 'Pinas

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nagkakagulo na sa Twitter sa na-tweet ni Tim Yap na darating si Madonna bago matapos ang taon for a concert for sure, kaya magsimula na kayong mag-ipon dahil tiyak na sobrang mahal ang tiket sa kanyang concert.

Sino kayang local concert producer ang sinuwerte at maglalabas ng malaking pera para dalhin dito si Madonna. Ang alam namin, isa ang Fearless Productions na gustong kunin si Madonna pero sobrang mahal ang production cost. Ang Fearless ang nagdala kay Usher noong Biyernes at next nilang dadalhin ay si John Mayer sa October 1.

Kasamang na-tweet ni Tim ang pagdating din daw ni US President Barack Obama at tiyak na pag­­kakaguluhan din dahil maraming Pinoy ang gus­to ang bagong black US president.  

* * *

Si Jolina Magdangal na ang nag-announce sa kanyang Twitter account na this Sunday ay balik na siya ng Party Pilipinas after niyang ma­wala ng three weeks. Vacation at errands ang gina­wa niya sa States kasama ang BF niyang si Mark Es­cueta at kaya siya natagalan dahil nagkaroon siya ng show.

 “Yes, I’m still with PARTY PILIPINAS, kaya tigilan na ang chismis na wala na ako sa show,” tweet ni Jolina at pinatunayan nang mag-rehearse siya for the show last Friday.

Tamang-tama ang pagbabalik sa Sunday show ni Jolina dahil magsi-celebrate siya ng 20th an­ni­versary niya sa showbiz this year at sa show niya ito isi-celebrate. Movies ang theme ng Party Pili­pinas ngayon at maraming surprises si Direk Mark Reyes at performers.

* * *

As usual, masaya ang presscon ng repeat ng As 1 concert nina Gary Valenciano at Martin Nievera sa rami ng kuwento ng dalawa. Kasama nilang humarap sa press ang mga anak ni Gary V. na sina Paolo at Gab Valenciano at ang mga anak ni Martin na sina Robin at Ram Nievera.

Sabi ni Martin, hindi nila pinilit ni Gary ang kani­lang mga anak para pasukin ang showbiz, kaya mas natutuwa sila na kusang sinundan ng ka­nilang mga apat na anak ang kanilang trabaho. The same show pa rin ang mapapanood pero may mga surprises na magugustuhan ng tao.

Nanghihinayang si Gary V. na hindi napanood ang concert ni Usher last Friday kahit may tiket na dahil nag-taping sila ni Martin at ang kanilang mga anak sa Wheel of Fortune segment ng Wowowee na pinalabas kahapon at riot ang nasabing seg­ment. Sayang dahil gusto pa naman ni Gary V. si Usher kesa kay Justin Timberlake.

Anyway, ang As 1 ay gagawin sa Araneta Coli­seum sa July 16.

* * *

Nagsisimula nang magsalita ang better at bitter half ng isang controversial couple na naghiwalay. Ang dami nitong nasi-share na tsika sa mga kai­bigan at isa sa mga nabanggit nito’y ang kawa­lan ng sariling pera dahil ang kapareha niya ang may hawak ng lahat ng pera at binibigyan lang siya ng allowance.

Buong kapaitang nabanggit din ng lalaki na siya ang niligawan ng kanyang ex at na-in love naman siya sa girl but not knowing na sa paghihiwalay din magtatapos ang kanilang relasyon. 

vuukle comment

ANG FEARLESS

ARANETA COLI

BARACK OBAMA

DAHIL

FEARLESS PRODUCTIONS

GAB VALENCIANO

GARY V

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with