^

PSN Showbiz

Jolina tinanggal sa Party Pilipinas!?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Wala pa ring bagong TV project sa network kung saan may exclusive contract ang magaling na aktres, pero hindi na ito masyadong magpa-panic na ilang buwan na siyang walang regular show dahil may trabaho na uli siya.

Ibinalik ang aktres sa show kung saan naalis siya pansamantala nang magkaroon ng revamp sa mga host at siya rin ang nag-pinchhit mag-host sa segment ng isang show nang magbakasyon ang host na may hawak ng segment. Saka may pelikula na uli ang magaling na aktres na ikinatutuwa nito.

Hindi alam ng network na muntik nang tanggapin ng aktres ang offer na mag-guest sa isang popular drama show ng kalabang network dahil matagal na siyang walang regular show, eh may pamilya siyang sinusuportahan. Nakipag-meeting ito sa taong may hawak sa kanyang career para itanong kung anong plano sa kanya at para magpaalam kung puwedeng mag-guest muna siya sa ibang network.

May ipinapagawa sa aktres bago siya payagang mag-guest, mabuti na lang at bago pa kumilos ang aktres, binigyan siya ng special project plus ibinalik sa dating show, kaya napigilan pansamantala ang balak na lumabas sa ibang istasyon.

Malaking balita at intriga ‘pag natuloy mag-guest sa show ng kalabang net­work ang magaling na aktres at tiyak na marami ang magre-react. (Si Iza Calzado ito ateng? SVA)              

* * *

Wala si Jolina Magdangal sa Party Pilipinas  last Sunday at akala namin, nasa ibang bansa ito o may ibang importanteng ginawa. Pero naintriga kami nang mabasa sa kanyang Twitter account ang na-post na “wala ako sa PP sa malalim na dahilan.”

Nag-tweet kami sa singer-actress para alamin kung bakit wala siya sa Independence Day special ng Party Pilipinas, pero lalo kaming naintriga sa sagot na ayaw na lang niyang magsalita at baka sabihing gumagawa siya ng isyu. Ay, ano kaya ang nangyari?

Nang makita namin si Jolina sa taping ng Comedy Bar noong June 9, we asked her kung ano ang gagawin niyang number sa Party Pilipinas at “wala pa” ang sagot nito, pero ang alam namin, by that time, alam na ng artists ang mga nakatoka nilang production numbers.

Makapagtanong nga kung ano talaga ang nangyari?

* * *

Si Jovit Baldivino ang tinanghal na winner sa Pilipinas Got Talent at sama kami ng sampu dahil talaga namang napakahusay kumanta ng bagets.

Nang manood kami noong Sabado sa Araneta Coliseum, majority ng audience ay maka-Jovit at nag-standing ovation pa after niyang kumanta.

Umiyak si Ai-Ai delas Alas nang i-announce ang winner sa tuwa dahil alam na malaking tulong kay Jovit at sa pamilya nito ang premyo. Hindi na magtitinda ang bagets, milyonaryo na siya at may career pa.

* * *

Mai-interview namin sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo at malalaman natin kung totoong nagka­kalabuan ang dalawa dahil sa selos. Tila nagseselos daw si Dennis kay Rocco Nacino, pero hindi ba nagpalit na ng crush si Rocco nang malamang sina Dennis at Jennylyn na? Aalamin din natin ang plano nina Dennis at Jennylyn after Gumapang Ka Sa Lusak.                                 

Samantala sa Gumapang Ka Sa Lusak, nakatakas si Rachel (Jennylyn Mercado) kay Guatlo (Al Tantay) at maliligtas nina Levi (Dennis Trillo) at Falcon (Ronnie Lazaro) si Anita (Glydel Mercado). Mahuhuli si Guatlo at makukulong at tatayong witness si Falcon para madiin siya.

vuukle comment

AL TANTAY

ARANETA COLISEUM

COMEDY BAR

DENNIS TRILLO

GUMAPANG KA SA LUSAK

JENNYLYN MERCADO

NANG

PARTY PILIPINAS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with