^

PSN Showbiz

Anak ni Robin sobrang mahiyain

-

MANILA, Philippines - Ipinakikilala ng ABS-CBN ang pinakabagong tambalang susubaybayan — ang Pinoy Big Bro­ther Teen Plus Big Winner na si Ejay Falcon at ang anak ng Bad Boy of Philippine Movies (Robin Padilla) na si Queenie Padilla. Simula kahapon, magbibigay kilig ang dalawa sa high-rating series na Momay.

Si Ejay ay naging bahagi ng dalawang mata­gumpay na weekday teleserye sa ABS-CBN, ang Katorse at Tanging Yaman. Sa pagpasok sa panibagong genre, ibubuhos niya ang husay at magdadagdag pa ng kakaibang atake sa pag-arte para sa kanyang pinakabagong proyekto. “Mas pambata kasi itong Momay. Hindi katulad ng Katorse at Tanging Yaman na seryoso talaga ang plot. Kaya iba rin po ang atake ng pag-arte ko po rito,” pagbabahagi ni Ejay.

Matapos maitambal kay Erich Gonzales, hindi maitago ni Ejay ang kanyang pananabik sa bagong kapareha na si Queenie. “Nakakatuwa po kasama si Queenie sa set. Madali pong kausap at lapitan. Kaya po kapag may eksena kami ‘di na po ganun kahirap mag-adjust,” pagtatapat ni Ejay.

Magkahalong kaba at saya naman ang nararamdaman ni Queenie para sa kanyang pinakamalaking break sa telebisyon. “Excited po ako at kinakabahan. May konting pressure rin siyempre kasi nakakabit sa akin ang name ng dad ko. But I’m really enjoying the experience. The cast members are kind enough to give me tips on acting,” paliwanag ng panganay na anak ni Robin at Liezl Sicangco na halata ang sobrang pagkamahiyain nang interbyuhin siya ni KC Concepcion sa The Buzz last Sunday.

Samantala, laking galak ni Xyriel Manabat na lead child actress ng Momay, sa napakagandang feedback na natanggap nito para sa kanilang pilot episode. “Masaya po ako at nagpapasalamat sa mga tao na nanonood po ng Momay. Kung paano po nila ako sinuportahan sa Agua Bendita, ganun din po ang pagsuporta nila dito po sa bagong show namin,” paglahad ng anim na taong gulang na child wonder.

Makisaya sa cutest ghost sa primetime na si Momay na sasamahan ni Ejay at Queenie sa kanyang adventures, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng TV Patrol, dito lang sa ABS-CBN.

vuukle comment

AGUA BENDITA

BAD BOY OF PHILIPPINE MOVIES

BUT I

EJAY

EJAY FALCON

ERICH GONZALES

KATORSE

MOMAY

QUEENIE

TANGING YAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with