^

PSN Showbiz

Nagbabalik-showbiz na aktor nakipag-sex on phone

- TALONG ANONYMOUS -

TRUE: Inaasahang ngayong araw ay magpi­piyansa na si Baron Geisler sa sala ni Jud­ge Flo­­rencio Bernardo ng Bocaue Municipal Trial Court kaugnay sa kasong three counts of acts of las­civiousness at one count ng unjust ve­xa­cation para hindi na siya makulong.

Ipinag-utos ng korte na arestuhin si Baron dahil sa ’di nito pagsipot ng dalawang beses sa arraignment ng mga kaso.

Tinawagan namin si Baron pero tumanggi itong magbigay ng pahayag. Paliwanag naman ng abogado niyang si Atty. Boni Alentajan, wala itong natanggap na anumang notice o subpoena dahil ipinadala naman ito sa ABS-CBN na hindi naman tirahan ng aktor. Ang anumang notice na may kaugnayan sa kasong ito ay dapat na sa residence ni Baron iparating para personal niya itong matanggap.

Sagot naman ng abogado ni Yasmien Kurdi na si Atty. Ferdie Topacio, alam naman nila na may kaso, dapat na tinutukan nila ito at hindi pi­na­bayaan dahil sila naman ay patuloy na sinu­subaybayan ito para malaman kung umuusad ba ang kaso.

Nasa Guam si Yasmien nang lumabas ang balitang ito kaya wala siyang kamalay-malay sa nangyari. Pahayag ni Yasmien na nagbaba­kasyon kasama ang kanyang mommy: “Ngayon ko lang po nalaman. Nagulat din po ako, pero kung maayos na rin po ’yun para malaman na rin po ’yun ng taong ’yun kung anuman ’yung prob­lema niya, kung ano ang kasalanan niya ’di ba?”

* * *

TANONG: Handa na ba si Lorna Tolentino sa bagong pag-ibig ngayong may mga ilang umaali-aligid pa rin sa kanya na non-showbiz at showbiz guys?

 Ngayong araw ang 2nd death anniversary ni Rudy Fernandez at lalo itong nami-miss ni LT kahit naramdaman naman niyang laging naka­bantay sa kanya ang nasirang asawa.

Mukhang malabo pang mag-entertain si LT sa mga may balak manligaw dahil lalo niyang naaalala si Kuya Rudy. Ang dami niyang nakitang mga love letters sa kanya noon at ngayon ay nakaipit ang ilang sulat sa kanyang wallet at dala-dala niya kahit saan siya magpunta.

Bilang paggunita sa pangalawang taon nang pagpanaw ni Kuya Rudy, magkakaroon ng misa mamayang hapon sa chapel ng Heritage Memo­rial Park sa Taguig City at susundan ng munting hapunan na pag­saluhan ng mga kamag-anak at malalapit na kaibigan.

* * *

TANONG: Totoo kaya ang tsika sa amin ng isang kasamahan sa isang TV network na ang kaibigan niyang girl ay naka-SOP o Sex on Pho­ne ang isang dating child actor na ngayon ay nagbabalik sa pag-aartista?

Maraming isyung kinasangkutan ang aktor na ito kahit matagal din siyang nanahimik sa showbiz. Kaya ngayon ay muling pinag-usapan ang mga lumang isyu dahil sa unti-unti na naman siyang nagpapaka-active sa showbiz.

Kuwento nitong girl, natawagan niya noon itong actor para mag-guest sa isang show na hawak niya. Natapos na ang guesting na iyun, pero pagkalipas ng ilang araw tinawagan siya ng aktor at niyayang mag-SOP sila. Parang wala umano sa sarili ang aktor nang nakausap niya kaya binabaan niya agad ng telepono. Pero tumawag na naman uli at narinig niyang parang humahalinghing ito. Ang duda ng girl, bangag ang aktor at isa sa napagtripan ang makipag-SOP.

Inamin sa amin minsan nitong aktor na nasubukan niyang mag-droga pero hindi naman daw siya nalulong ng husto.

TSIKA LANG: Natawa si Rhian Ramos nang nalaman niyang sinabi ni Elmo Magalona na wala siyang ibang crush kundi ang young actress.

Natatawang kuwento ni Rhian, “Nakita ko si Elmo na nagra-rap sa Party Pilipinas. Eh sabi ko kay Maxene, ang cute-cute ng kapatid mo, ilang taon na ’yan, 16? Sabi ko ’pag 26 na siya, 29 ako, hindi ’yan mala­king gap. Siguro ginagantihan na lang niya ako ngayon. Hahaha!”

Ka-triangle ni Elmo sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio sa bagong telefantasyang Pilyang Kerubin ng GMA 7 na magsisimula na mamayang gabi pagkatapos ng 24 Oras.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

BARON GEISLER

BOCAUE MUNICIPAL TRIAL COURT

BONI ALENTAJAN

KUYA RUDY

NAMAN

NIYA

NIYANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with