^

PSN Showbiz

Empress magpapasan ng malaking problema

-

MANILA, Philippines - Bawat tao ay may pasan-pasan na problema sa buhay. Kung paano ito dadalhin ay nakasalalay sa pagtanggap ng kahinaan at kalakasan, dito iikot ang ideyang hatid ng pinaka-inaabangang serye, ang Rosalka, magsisimula ngayong Lunes sa ABS-CBN.

Ang Rosalka ay isang orihinal na materyal ng Kapamilya Network na siyang maglulunsad sa itinuturing na next big star ng telebisyon na si Empress (dating Empress Schuck) bilang isang ganap na bida. Sa kanyang mga nakamit sa larangan ng pag-arte na siya ring humasa sa kanyang kapasidad bilang aktres, handang-handa na ngayon ang teen star na sumabak sa isang lead role.

Itatambal sa Empress of Drama ay ang dalawa sa pinaka-versatile na aktor ng kanilang henerasyon, sina Felix Roco at Matt Evans. Mula sa indie film industry, tatapak na sa poder ng Kapamilya Network si Felix upang ipakita ang kanyang angking talento sa pag-arte na namana niya sa kanyang respetadong ama, si Bembol Roco.

Mga bigating artista rin ang makakasama nina Empress, Felix, at Matt na siya namang mag­bibigay-buhay sa mga importanteng karakter sa inaabangang drama fantaserye, sina Mickey Ferriols, Dominic O­choa, Maricar de Mesa, at Kier Legaspi.

Humanda na sa pagsali sa Rosalka sa afternoon race simula ngayong Lunes, May 17, pagkatapos ng Wo­wowee.

vuukle comment

ANG ROSALKA

BEMBOL ROCO

DOMINIC O

EMPRESS SCHUCK

FELIX ROCO

KAPAMILYA NETWORK

KIER LEGASPI

MATT EVANS

MICKEY FERRIOLS

ROSALKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with