^

PSN Showbiz

Hayden nag-lamyerda sa Amerika; Nag-upload ng L photo ni Sarah nag-sorry

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Mama Salve, alam mo ba na nag-apologize kay Sarah Geronimo ang tao na nag-upload ng kanyang lumang litrato na nagpapakita sa kanya na naka-Laban sign?

’Yun nga lang, hindi sinabi ni Sarah ang name ng suspect. Nang tanungin siya kung tomboy ang tao, natawa ang aking favorite singer-actress at nag-dialogue na hindi niya alam.

Pahulaan ngayon sa mga reporters na nakaku­wen­tuhan kahapon ni Sarah ang identity ng tao na nag-apologize sa kanya. Girl kaya o fortunate homosexual woman? What do you think?

* * *

Isang lumuluhang Jennylyn Mercado ang ma­papanood ngayong hapon sa Startalk. Na­paluha si Jennylyn dahil na-hurt siya sa isyu na ipinangalan niya kay Andrei Felix si Alex Jazz, ang lovechild nila ni Pat­rick Garcia.

Kasabay ng pagluha ni Jennylyn ang pakiusap na huwag idamay sa intriga ang kanyang anak.

Kung matatandaan ninyo, sinabi ko dito sa aking kolum na siguradong may reaksiyon si Jennylyn sa mga sinabi ni Patrick sa guesting nito sa Show­biz Central noong nakaraang Linggo.

Ipinagtapat ni Patrick na matagal na niyang alam na Alexander Jazz ang tunay na pangalan ni Andrei Felix at kapangalan ito ng kanyang anak na si Alex Jazz.

True enough, nag-react si Jennylyn with matching tears. Never na inamin ni Jennylyn na naging boyfriend niya si Andrei at kung bakit, ta­nging siya lang ang nakakaalam.

* * *

Mapapanood din sa Startalk ang sagot ni Aljur Abrenica sa isyu na insecure siya kay Rocco Nacino.

Si Rocco ang Starstruck V 2nd Prince na nag­deklara na crush niya si Kris Bernal at type niya na maging loveteam sila.

Si Aljur ang talagang ka-loveteam ni Kris kaya hiningi ng Startalk ang kanyang opinyon sa statement ni Rocco.

Si Rocco ang higit na makikinabang sa isyu dahil nagkaroon siya ng maraming publicity dahil sa kanyang deklarasyon.

Lumalabas na maingay ang pangalan ni Roc­co kesa kina Steven Silva at Enzo Pineda. Mag­ka­totoo kaya ang mga hula na matatalbugan ni Rocco sina Steven at Enzo?

* * *

Bago pa kumalat ang tsismis na kasama ni Hayden Kho, Jr. sa Amerika si Dra. Vicki Belo, lili­nawin ko na naririto sa Pilipinas ang kilalang beauty doctor.

Hindi inililihim ni Hayden ang pagpunta niya sa Amerika dahil siya pa ang nagkukuwento tungkol sa kanyang US trip.

Hindi nakakasorpresa ang paglabas ni Hayden sa Philippine territory dahil siguradong nagpaalam siya sa korte at posibleng nag-post ng bond. Asahan natin na may reaksiyon ang kam­po ni Katrina Halili, lalo na ang abogado nito sa paglalamyerda ni Hayden sa US of A.

vuukle comment

ALEX JAZZ

ALEXANDER JAZZ

ALJUR ABRENICA

AMERIKA

ANDREI FELIX

HAYDEN

JENNYLYN

SHY

SI ROCCO

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with