^

PSN Showbiz

Gretchen umaming magkaaway sila ni Claudine

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

“Yes it’s true. PAPARAZZI experienced technical glitches on the pilot today (last Sunday) that were beyond my control & that have been addressed. I am not in charge of props, set, lighting, audio as I was only tasked to be a host for PAPA­RAZZI. During a LIVE show all u can do is... be quick, have presence of mind, smile & make the most of any given situation. I gave my best & will continue 2 do so in further episodes. Kapamilyas, Kapusos & KAPA­TIDS...thank u for tuning in! :) Both POSITIVE & CONSTRUCTIVE comments will b printed & given to our e.p. tom :),” tweet ni Ruffa Gutierrez after unang epi­sode ng kanilang bagong talk show nila every Sunday sa TV 5.

May narinig kasing boses ni Ruffa — “retouch” habang may voice over ang isang portion ng kanilang programa sa TV.

* * *

At least inamin ni Gretchen Barretto sa The Buzz last Sunday na hindi nga sila nag-uusap ng kapatid niyang si Claudine. “Totoo, hindi kami nag-uusap ni Claudine at hindi ko talaga maintindihan kung bakit at kung ano ang nangyari.

“Nagkita kami sa isang family gathering and then sabi niya, ‘I’ll pray for you.’ And I really felt so good kasi alam niyang nominated nga ako sa Star Awards. So, nagdasal siya. I felt so good. She was crying while she prayed. And I really felt so close to her,” sabi ni Gretchen sa interview ng The Buzz na parang sobrang baba ng boses ha­bang nagsasalita.

Kuwento pa ni Gretchen na nagpilit siyang makausap ang kapatid noong birthday niya dahil paki­ramdam niya, parang may kulang. Pero hindi na raw sumagot at nagalit na ang bunsong kapatid.

At kaya siya nag-walk out sa presscon ay dahil sa tanong ng isang reporter na sinabi ni Claudine na kesyo galit ang kanyang pamilya sa kanya na hindi naman daw totoo sabi ng kuya niya na nag-umpisa sa supposedly tapatan ng Claudine at MMK (Maalaala Mo Kaya) kung saan siya ang guest.

Ngayon, ayon kay Gretchen: “Nami-miss ko siya. Gusto kong sabihin sa kanya na nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko at wala akong in­tensiyon na saktan siya. Alam kong mahal ako ni Claudine. And siguro we just need space, we need time.

“Inaayos namin. Nakausap ko na ang kapatid ko na kailangang mag-usap lahat, huwag palakihin,” sabi ni Gretchen.

Pero dahil sa nasabing interview, malamang na lumaki pa ang issue sa mag­kapatid.

Baka naman misquoted lang si Claudine sa ibang interview?

Anyway, wait na lang tayo kung paano magka­karoon ng ending ang kanilang hindi pag-uusap.

* * *

Suwerte ni Mark Bautista. Kahit Kapuso na, napapanood pa rin siya sa ABS-CBN. Yup, ongoing pa rin ang Hair is Your Moment ng Sunsilk sa Dos, ang weekly microserye na bida si Sarah Geronimo.

Anyway, issue ngayon ang tila namumuong love triangle sa set ng nasabing microserye. Nag-aagawan daw sa atensiyon ng Pop Princess sina Mark at ang baguhang si Guji Lorenzana. Madalas makita sina Mark at Guji na nagdadala ng something for Sarah sa taping nila o ’di kaya’y sumasaglit kasama ang dalaga para mag-coffee or tea.

Talaga raw mukhang tinamaan ang dalawa kaya naman kanya-kanyang gimik sila.

Binabalik-balikan ni Mark ang dati nilang loveteam habang ang baguhang si Guji ay kailangan pang magtiyaga ng todo para mahuli ang loob ni Sarah.

Nang kulitin si Sarah tungkol sa kuwentong ‘blossoming romance’ nila at kung sino man sa dalawa ang pipiliin niya, as usual, ngiti lang ang sagot nito: “Ay, hindi po totoo. Hindi naman talaga ako ang pinag­tatalunan nina Mark at Guji. On screen lamang po ang sinasabing love triangle. Off screen naman, magkaibigan kaming lahat.”

(Umiikot sa tatlong karakter ang nasabing microserye: Ang popular rock star na si Paco Figueroa (Mark), na longtime crush ni Jenny Reymundo (Sarah G.), may-ari ng isang can­teen, habang si Jason Abad (Guji), ang con­cert producer ay halatang tinamaan ng kan­yang latest discovery.)

Siyempre lamang na lamang naman si Mark kay Guji dahil matagal na silang magka­kilala ni Sarah kung magkakatotoo ito kahit idinenay na ni Sarah.

Kaya magkakalayo muna sila ng landas sa paglipat ni Mark sa GMA7. Aakting na rin ang endorser ng Mang Inasal. Pati pelikula ay balitang gagawa rin ang singer sa kanyang bagong istasyon.

Bagong mukha naman sa showbiz si Guji at kina­kitaan na ito ng potensiyal na maging matinee idol. Kabilang siya ngayon sa Star Magic Batch 16, at nakapag-recording na rin. Isang Fil-Am si Guji at nag-audition siya sa American Idol kung saan si Simon Cowell mismo ang nakapansin sa kanyang kakayahang maging recording artist.

Taong 2006 nang mag-desisyon itong pasukin ang local showbiz. Noong 2008 ay pormal na nai­pakilala siya ng ABS-CBN kasama ang iba pang miyembro ng Star Magic Batch 16.

“Excited talaga kami sa microseryeng ito,” sabi naman ni Jem Perez, Sunsilk brand manager ng Unilever Philippines. “Because it’s the first time that a microserye is being done where viewers influence the direction of the story. We’re particularly excited sa magiging ending nito at kung sino kina Paco at Jason ang mapipili ni Jenny – and everything is in the viewer’s hands,” dagdag pa ni Jem.

Ang mga fans ang magde-decide kung sino sa dalawa ang magiging Mr. Right para kay Jenny.

Para makaboto, kailangan lang hanapin ng mga viewers ang promo code sa loob ng Sunsilk Damage Repair shampoo or conditioner package na merong pink puzzle piece. I-type ang 10Days<promo code><letter of vote> at ipadala sa 2600. Example: 10DAYS abc12 A.

vuukle comment

CLAUDINE

GRETCHEN

GUJI

KUNG

MARK

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with