^

PSN Showbiz

Sheena gustong makabawi kay Lord

-

MANILA, Philippines - Ngayong darating na Huwebes Santo, mapapanood ang GMA Artist Center star na si Sheena Halili sa isang pagtatanghal para sa Mahal na Araw, Tanikala: Ang Ikalawang Libro.

“Gusto ko rin namang makabawi kay Lord,” sabi ni Sheena.

At bukod sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanya na makabawi, na-practice rin ni Sheena ang kanyang dramatic side.

Isang malaking challenge for Sheena ang Tanikala dahil for the first time, since nag-Marimar siya, hindi siya magpapatawa sa proyektong ito. “Sobrang magmula umpisa hanggang matapos, umiiyak ako — kailangan ng energy talaga ’yung show. Ayun, sa awa naman ni Lord nagawa ko naman daw ng maayos, sabi ng director namin,” sabi ni Sheena.

Proud ang aktres sa proyektong ito. Say niya, “First time kong gumawa ng ganoong horror! Maganda siya, naniniwala ako. Kasi nakita ko ’yung trailer nila, sample trailer pa lang, excited na ako!”

Siyempre, hindi pa rin naaalis kay Sheena ang kaba. Wish tuloy niya na sana ay may makapansin din sa acting niya ngayon.

Ngayon ay nakatikim na ng bagong role si Sheena, kuwento niya na gusto pa niyang mag-try ng iba. “Hindi naman mag-iiba,” sabi ni Sheena sa image niya. “Pero gusto ko rin ma-try kung puwede ba ako. Pero ayaw kong pilitin. Kung ibibigay, ibibigay. Kung hindi, okay lang.”

Ang mas importante naman sa kanya ay ang magkaroon ng sunud-sunod na project. “Kasi after Full House wala pa akong regular show, nasanay din ako na dire-diretso ako. Walang pahinga, walang bakasyon,” pahayag ng aktres.

“Feeling ko, binibigyan ako ng time ni Lord para naman i-enjoy ko kung ano ’yung pinagpaguran ko, at saka makapag-enjoy ako with friends, with family.”

Pero inamin ni Sheena na nami-miss na niyang mag-taping.

“Gusto kong matawag ako na ‘Sheena, aktres.’ Pero kung ’di naman din, kung papipiliin ako kung dito na lang sa gitna pero tuluy-tuloy, o sa taas kung saan hindi tuluy-tuloy, dito na lang ako sa gitna na tuluy-tuloy,” kuwento ni Sheena.

Bukod sa Tanikala: Ang Ikalawang Libro, mapapanood pa rin ang GMA Artist Center star na ito bilang co-host ni Chris Tiu sa Pinoy Records at lalabas din siya sa Show Me Da Manny.

vuukle comment

AKO

ANG IKALAWANG LIBRO

ARTIST CENTER

CHRIS TIU

KUNG

PERO

SHEENA

TANIKALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with