^

PSN Showbiz

JC biglang lumaki ang katawan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

 Nagulat ang press na dumalo sa presscon ng Pan­day Kids sa malaking inilaki ng katawan ni JC de Vera. Malalaki ang muscles nito sa braso at naringgang nag-dialogue na mahirap i-maintain ang six-pack abs, kaya feeling namin, may six-pack abs siya na ’di nakita dahil natakpan ng costume niya sa role ni Aureus.

Pero sabi ni JC, dati nang malaki ang katawan niya at lalo lang lumaki dahil sineryoso niya ang pag­wo-workout. Sa free time niya, sa halip na mamasyal, sa gym siya pumupunta, at weightlifting ang gina­gawa niya ngayon. Ipi­nag­ma­laki nitong walang steroid ang pag­laki ng kanyang katawan.

Sumabak sa fight scene at iba’t ibang stunts si JC sa Panday Kids at first day palang ng taping, sa hanging bridge na may taas 70 feet na ang eksena nila ni Christopher de Leon na kinunan ni direk Mike Tuviera. Naka-blind fold pa raw siya, pero nagawa niya ng tama.

 Naba-blind item na lilipat sa TV 5 si JC after his contract sa GMA-7 expires. Totoo ba ito o hindi?

 “Mag-i-expire ang contract ko sa GMA 7 sa March 15, saka pa lang malalaman ang definite plan namin ni tita Annabelle Rama (his manager). Hopefully, may mga bagay na maayos pa dahil gusto ko rin naman sa GMA-7 dahil nabigyan nila ako ng chance na mailabas kung ano ang kaya kong gawin, lahat ng shows na nabigay sa akin ay nabigyan ko ng justice. Gusto ko sana maibalik sa Channel 7 ang pi­nag­hirapan nila sa akin, pero tingnan natin,” sabi ni JC.

* * *

Sunud-sunod ang pagre-resign ng staff ng isang show sa isang major network at kundi mapipigilan, baka masundan pa at baka maubusan na ng tao ang show.

Una nang nag-resign ang headwriter ng show at kahit pinabalik siya, hindi na bumalik at lumipat na lang sa ibang network kung saan, dalawang shows agad ang hahawakan nito.

Sumunod na nag-resign sa headwriter ng show ang associate producer sa ’di malamang dahilan. Nagulat na lang ang mga kaibigan ni associate producer nang malamang wala na ito sa show na minahal niya ng lubos at matagal din siyang naging parte. May hawak na rin itong show sa nilipatang network.

* * *

 

Nabalitaan naming kasamang nag-pictorial sina Ariel and Maverick sa mga personalities na bubuo ng public affairs program ng TV 5. Totoo kung ganun ang balitang bumalik na ang dalawa sa TV 5 kung saan sila nakakontrata bago lumipat sa GMA-7.

May ilang shows na gagawin sina Ariel at Maverick sa TV 5 at ’di na kailangang magparinig sa management ng Channel 7 na nami-miss na nilang mag-taping dahil hindi nabigyan ng regular show. Siguradong dalawa sila sa mga talents ng TV 5 na ipi-present sa March.

Paano kaya ang pelikula nina Ariel at Maverick sa GMA Films na may March playdate? Papayagan kaya sila ng TV 5 na bumalik sa Channel 7 para mag-promote?

* * *

Ngayong last Thursday ng Darna, malalaman ni Serpina (Katrina Halili) na patay na si Zandro (Paolo Contis) at maiisip nitong si Roma (Nadine Samonte) lang ang makakatalo kay Darna (Marian Rivera). Pababangunin ni Serpina ang bangkay ni Roma at hihigupin ng kanyang tungkod ang powers nito para lumipat sa kanya. Nag-transform si Serpina bilang Darna.

Maghahasik ng lagim si bad Darna at ibabalita ni Gabriel (Alfred Vargas) ang pagta-transform ni Serpina bilang si Darna. Tututukan ng tungkod ni bad Darna si Alicia (Rita Avila) nang kausapin siya nito. 

vuukle comment

ALFRED VARGAS

ANNABELLE RAMA

ARIEL AND MAVERICK

DARNA

KATRINA HALILI

MARIAN RIVERA

MIKE TUVIERA

SERPINA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with