^

PSN Showbiz

Dolphy pasok sa show ni Ryan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Sa grand finals ng Talentadong Pinoy sa March 6 ang first appearance ni Dolphy sa TV5. Agad daw tinanggap ng Comedy King ang im­bitasyon dahil regular viewer siya ng talent show at gusto ring malaman kung sino sa mga napanood niyang talento ang mananalo.

Tuwang-tuwa si Ryan Agoncillo na isa sa mga guest niya sa grand finals ng hit talent show na hino-host niya sa TV5 ay ang idol niyang si Dolphy.

Sila ni Vic Sotto ang lubos na hinangaan ni Ryan at kung nakakasama niya si Vic sa Eat…Bulaga, chance na rin niyang makasama si Dolphy at sa sarili pa niyang show.

Sitcom ang gagawing show ni Dolphy sa TV5 at tiyak na gugustuhin ni Ryan na mag-guest sa isa sa mga episodes ng sitcom.

* * *

Nakarating kay Bayani Agbayani na kinabahan si Christopher de Leon sa mga eksena nila sa SRO Cinemaserye Presents…Meet the Fathers dahil magaling siyang komedyante. Hindi raw alam ni Boyet na sobrang kaba rin niya sa mga una nilang eksenang magkasama at napaiyak siya sa pag-iisip na baka ‘di niya magawa ang eksena.

This Thursday na ang pilot ng four-week episode ng Meet the Fathers at sabi ni Boyet, mas tamang tawaging dramedy dahil nakakaiyak towards the end. Gumaganap sila ni Bayani na mga ama ni Ynna Asistio.

 Samantala, kasama rin si Boyet sa Panday Kids na magpi-premiere sa February 22, special participation lang siya at sa pilot week lang mapapanood bilang guru ni JC de Vera.

Sa balitang babalik na si Nora Aunor para gumawa ng maraming projects, “it’s about time” ang sagot ni Boyet. Marami raw fans ng the only superstar ang matutuwa sa pagbabalik nito at open siyang makatrabaho si Guy depende sa material.

On the other hand, ikinatuwa ni Boyet ang pagpo-post ni Lotlot de Leon ng mga pictures nila noong baby pa ang aktres at tinawag siyang “my dad.” Ang sarap daw ng feeling na kinikilala pa rin siyang ama nito kahit nakilala na ang biological dad.

* * *

Nasunod din ang gusto ni Michael V na gumawa ng sitcom dahil sitcom ang ipapalit ng GMA-7 sa Showwwtime. Pepito Manaloto ang title ng sitcom na malapit nang umere at Saturday pa rin ang time slot.

Inaalam pa namin kung sino ang director nito, pero kasama raw sa cast si Ronnie Henares at kinakausap si Eugene Domingo. Sure na ring kasama sa cast ang isang comedian na ni-request mismo ni Michael V, pero saka na naman pangangalanan.

Noon pa gustong gumawa ng sitcom ni Michael V at finally, pinakinggan din siya ng Ch. 7. Masaya kung makukuha nila si Eugene na alam na ang kalibre sa pagpapatawa.                                                                            

vuukle comment

BAYANI AGBAYANI

BOYET

CINEMASERYE PRESENTS

COMEDY KING

DOLPHY

EUGENE DOMINGO

MEET THE FATHERS

MICHAEL V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with