^

PSN Showbiz

Melai ng PBB mas dumami ang fans

- Veronica R. Samio -

Kung maraming tagasubaybay si Melissa “Melai” Canti­veros, isang housemate ng Pinoy Big Brother (PBB) simula pa ng paligsahan mga apat na buwan na ngayon, mas lalo silang duma­rami habang nalalapit na ang pagtatapos ng reality-based talent search at nakatakda nang piliin ang next big winner.

Masyadong pinahanga ni Melai ang mga tagasubaybay ng PBB nang malampasan niya ang lahat ng pagsubok na ibinigay sa kanila ni Kuya o Big Brother. It was such a big feat nang talunin niya ang dala­wang hunkie house­mates na sina Paul Jake at Tibo para awto­matikong masali sa Top 4 winners na ina­anunsyo ni Kuya na magiging limang lahat sa taong ito ng Dou­ble Up. Kaya isa na lamang ang ma­wawala sa grupo at win­ner na silang lahat. Meanwhile, kai­la­ngan pa nilang malam­pasan ang mga natiti­rang chal­lenges na ipagagawa sa kanila ni Kuya bago pa dumating ang grand night sa Feb. 11.

Kung mas malamang sa hindi ang ka­­palaran ni Melai sa pagtatapos ng PBB, hindi pa ganun kasigurado ang lagay nang inaasahan ng lahat na makaka-loveteam niya paglabas nila ng bahay na si Jason Veron Fran­cis­co. Pero sa ipinama­malas nilang clo­se­­­ness, mawala man ang isa sa ka­nila, mag­kakasama pa rin sila pag­la­bas nila ng Bahay ni Kuya. Katu­na­yan, may iniha­handa ng proyekto para sa kanilang tandem ni Jason at bali­tang makaka­sama nila si AiAi delas Alas.

Matapos niyang matagalan ang pagtayo ng halos 11 oras sa gitna ng swimming pool na hindi na­ga­wa nina Paul Jake at Tibo, hindi na magiging mahirap pa ang mga susunod na pagsubok. Ito ang dapat nating panoorin sa dalawang huling linggo ng Pinoy Big Brother.

* * *

Napanood ko ’yung episode nung Linggo ng Shall We Dance? ni Lucy Torres-Gomez na naging contestants sina Princess Punzalan, Maritoni Fernandez, Cherie Gil at isa ’yun sa pinaka­ma­gandang labanan ng sayaw ng mga artista na napanood ko.

Magaling si Princess pero wala siya sa ipina­kitang husay nina Maritoni at Cherie na ang galing sa pagsasayaw ay pare­hong namana nila. Dating Bayanihan dancer ang ina ni Maritoni at showbiz naman ang lahi ni Cherie na hindi lamang sa pagsasayaw magaling.

Hindi na ako nagtaka nang manalo si Cherie. Nanghi­nayang lang ako para kay Ma­ritoni dahil magaling din siya.

Nagsayaw din ang dalawang male co-hosts ni Lucy na sina Vic­­tor Basa at Jon Avila. Ex­pect­ed ko na mas magaling si Victor dahil isa siyang mahusay na figure skater pero bakit mas magaling at graceful si Jon?

May segment din ang Shall We Dance? na kop­ya sa Talentadong Pinoy. Akala ko ang mga kala­bang networks lamang ang nangga­gaya sa palabas ng TV 5 na may mataas na ratings.

* * *

Tumanggap ako ng isang text ng pasa­salamat para sa isang writeup na ginawa ko tungkol kay Jim Acosta, may-ari ng kumpanya na gumagawa ng mga produktong New Placenta para sa kakaiba niyang birthday ce­le­bration, binigyan niya ng treat ang mga baba­eng nakakulong sa Cor­­rec­tional Ins­titute for Women. I thought na napakaganda at ma­ka­bulu­hang ges­ture ’yun na sa halip na magdaos ng isang bonggang party na tulad nang ginagawa ng marami diyan ay ninais niyang ibahagi ito sa mga ba­baeng preso. At talagang pinaghan­daan niya, hindi lamang siya nagpakain, nagdala rin siya ng isang magandang pala. I thought it was a beautiful ges­ture and so I wrote about it.

Isa lamang si Jim sa mga kakaunting tao na tu­­ma­tawag at nagpa­pa­salamat para sa isang nai­sulat. Marami ang tumatawag para lamang mag­reklamo kung hindi maganda ang pagkaka­sulat tungkol sa kanila.

Marami rin ang dedma.

Kay Jim, maraming salamat din.

* * *

Tama ang desisyon ni Prince Stefan na i-reinvent ang sarili niya. Patok ’yung mga lu­malabas na larawan niya sa Internet na sila-sila mismo ng mga pinsan niya ang kumuha. Kung hindi sasabihin na si Prince Ste­fan ’yun, walang makakakilala. Napaka-hunkie ng dating, malaki ang pangangatawan niya na na­kuha niya sa pagpunta sa gym nung mga panahong wala siyang trabaho.

Ngayon nga naman ay sentro siya ng aten­syon. With his new look, pro­bably more jobs will come. Ito lamang naman ang habol niya sa pagpapa-yummy ng kanyang sarili.

BIG BROTHER

KUYA

MELAI

NIYA

PAUL JAKE

PINOY BIG BROTHER

SHALL WE DANCE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with