^

PSN Showbiz

Krista sinundan si Manny sa Amerika!?

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Umalis uli si Krista Ranillo noong Sabado nang gabi. Inabangan siya ng mga TV crew sa Centennial Airport at tulad nang dati, nagma­ma­da­li raw ang sexy star sa pagpasok sa depar­ture area.

Na-master na ni Krista ang pag-iwas sa media para hindi niya masagot ang mga itatanong sa kanya like, kagagaling lang niya sa Amerika, bakit babalik naman siya?

Siyempre, umiral ang malisya ng mga tao. Nag-one-plus-one sila. Posible raw kaya na mag­kita sina Krista at Manny Pacquiao dahil nasa Los Angeles ito para sa kanyang boxing training?

Eh nagpainterbyu si Jinkee Pacquiao na next month pa siya lilipad sa Amerika para magkasama sila ni Manny sa Valentine’s Day. Ang reaksiyon ng mga malisyosa, marami ang puwedeng mangyari mula ngayon hanggang sa Araw ng mga Puso.

* * *

Sa totoo lang, si Krista ang dapat sisihin sa pag-aabang na ginagawa sa kanya ng mga repor­ter sa departure area.

Puwedeng-puwede na ilihim niya ang kanyang pag-alis pero nalalaman ito ng mga reporter. Kung sa palagay niya eh mga empleyado ng airlines ang source ng pag-alis niya, magpalit siya ng eroplano na sasakyan, maliban na lang kung nanghihina­yang siya na mileage na mawawala sa kanya.

Kung naging discreet si Krista noon, baka hindi lumaki ang isyu tungkol sa kanila ni Manny. Takaw-pansin din ang ‘escort’ niya sa tuwing aalis at darating siya sa airport. Bakit may escort pa siya eh wala namang banta sa kanyang buhay? Napaka-harmless ng mga reporter, lalo na ng mga showbiz reporter.

* * *

Hindi lang ako ang nakapuna ng hindi mata­pus-tapos na pagpuri ni Suzette Ranillo kay Man­ny Pacquiao nang pumayag siya na magpainter­byu sa Startalk noong Sabado.

As usual, binigyan ng malisya ang mga puri ni Suzette sa Pambansang Kamao dahil kung ikaw ang nasa puwesto ni Manny, talagang mapa-flatter ka sa praises ng tiya ni Krista.

Nag-apologize din si Suzette kay Bianca King. Nilinaw ni Suzette na hindi siya ang naglabas ng mga gamit ni Bianca mula sa tent ni Krista sa shooting ng Wapakman. Totoo ang sinabi ni Su­zette. Hindi siya ang naglabas ng mga gamit ni Bian­ca pero puwedeng siya ang nag-utos. May malaking pagkakaiba ang naglabas at nag-utos na ilabas. May lusot ang Pambansang Tiya! Pamban­sang Tiya raw o!

* * *

Nasa Hong Kong pala si Gina Alajar dahil du­malo siya ng screening doon ng Dukot. Wanted si Gina ng mga reporter dahil ipasasagot sa kanya ang statement ni Suzette na huwag niyang ibintang kay Krista ang paghihiwalay nila ni Michael de Mesa.

Malumanay ang pagbibitaw ni Suzette sa kanyang statement pero sapat na ito para maka­amoy ng word war ang mga reporter. Hinahanap nila si Gina para sa reaksiyon nito sa mga salitang pinakawalan ni Suzette. Knowing Gina, hindi nito uurungan si Suzette. Sure ang lahat na may sagot siya sa number one defender ni Krista.

vuukle comment

AMERIKA

BIANCA KING

CENTENNIAL AIRPORT

GINA

GINA ALAJAR

KRISTA

SHY

SIYA

SUZETTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with