^

PSN Showbiz

Interview ni Hayden Kho hindi nagri-rate

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Kumalat noong Sabado ang tsismis na type na ni Regine Velasquez na mag-goodbye sa SOP.

Tinutukan ko kahapon ang SOP pero walang announcement si Regine. Ipinakilala lang siya bilang Electra, ang reyna ng planet women na makakalaban ni Darna.

Nagbago kaya ang isip ni Regine dahil napa­kiusapan siya na huwag iwanan ang show? Sinadya ba na palutangin ang balita para tutukan ang SOP mula umpisa hanggang ending? Malalaman natin ang tumpak na kasagutan sa mga susunod na araw!

* * *

Parang hindi na kumakain si Marian Rivera dahil ang payat-payat niya nang magkita kami sa Annabel’s Restaurant noong Sabado.

Nakaka-insecure ang napakaliit na beywang ni Marian. Sa tantiya ko, size 22 na lang ang kanyang waist line at resulta ito ng mula Lunes hanggang Sabado na trabaho niya.

Hindi nagrereklamo si Marian dahil sa rami ng kanyang work. Nag-e-enjoy pa nga siya dahil lalong lumalaki ang kanyang savings. Nag-renew siya ng kontrata sa lahat ng kanyang mga endorsement kaya nadagdagan ang kayamanan ni Marian. Certified milyonarya na siya!

* * *

Dahil malapit na ang Christmas, nag-share si Marian ng blessings sa entertainment press.

Tiniyak nila ni Dennis Trillo at ng kanyang manager na si Popoy Caritativo na walang uuwi na bigo. Bukod sa grocery items, nagpa-raffle sila ng malalaking papremyo!

Mula nang gumanda ang takbo ng kanilang mga career, hindi nakalimot sina Marian at Dennis na i-share ang kanilang mga grasya na natanggap.

Hindi sila kagaya ng ibang mga artista na biglang naglalaho kapag malapit na ang Pasko at nagpaparamdam na lang kung tapos na ang Bagong Taon. Sila ang mga klase ng artista na hindi nagtatagal ang mga showbiz career dahil mas love nila ang kanilang sarili.

* * *

“Soooo?” uli ang sagot ko sa deklarasyon ni Hayden Kho, Jr, na hindi na siya magpapainterbyu sa mga programa ng GMA 7. Hindi siya kawalan ‘no! Hindi naman nagre-rate ang mga VTR interview niya.

As if naman, matataranta ang management ng GMA 7 sa kanyang threat. Hindi ko na kailangang ipaalaala kay Hayden na “stars come and go” dahil hindi siya maituturing na star! I-enjoy na lang niya ang pagbabakasyon sa Panglao Island sa Bohol para magkaroon siya ng peace of mind!

* * *

Nakarating sa akin ang dialogue ni Atty. Lorna Kapunan na inirerespeto niya ako kahit marami akong sinasabi tungkol sa kanya.

Totoo na may mga sinasabi ako tungkol kay Mama Lorna pero hindi mga kasiraan kundi mga papuri sa kanya.

Isa si Mama Lorna sa mga lady lawyer na hinahangaan ko. Bilib ako sa pagtatanggol niya noon sa karapatan ng mga kababaihan.

Masuwerte nga si Hayden dahil pumayag si Mama Lorna na ipagtanggol siya. Mapalad si Hayden dahil ang kanyang abogado ang humaharap sa media para ipagtanggol siya. Hindi madali na maging kliyente ang isang katulad ni Hayden kaya bilib ako kay Atty. Kapunan.

vuukle comment

BAGONG TAON

DAHIL

DENNIS TRILLO

HAYDEN

MAMA LORNA

SABADO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with