^

PSN Showbiz

Judy Ann masama ang loob sa ABS-CBN

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Ang pagiging tameme ni Piolo Pascual sa status ng relasyon nila ni KC Concepcion ang lalong nagpapatindi sa paniniwala ng marami na hindi lamang sa serye ng Lovers in Paris sila may romansa kundi maging sa likod ng mga kamera.

Ngayong tapos na ang serye ay makikita na ang katotohanan sa dati’y hinala lamang ng marami, at kahit anong gawing pagpapapribado nilang dalawa ng kanilang relasyon lalabas at lalabas din ang totoo ngayong tapos na ang serye. There is no longer a need to appear happy at parang in love sa isa’t isa, wala nang palabas na kailangang i-promote. Pero kung ganito pa rin sila, may ibang ibig sabihin na nito.

Pero ano ‘tong narinig ko na si KC pa rin ang gustong makapareha ni Piolo sa susunod niyang proyekto?

At matupad kaya ang wish niyang ito? Di ba marami na siyang naka-sked na proyekto pero iba at hindi si KC ang kasama niya?

Tinamaan yatang talaga ni Kupido ang puso ng multi-talented na actor. Abangan na lamang natin at tingnan kung nagkainlaban talaga ang dalawa.

* * *

Masuwerte si Sunshine Dizon dahil mayroong isang Manny Calayan na sumusuporta sa kanya at gustong tulungan siyang ibalik sa dati ang init ng kanyang career.

Hindi naman manager ng aktres ang magaling na siruhano, endorser lamang si Sunshine ang mga serbisyong pampapaganda na ibinibigay nito pero, sapat na ito para siya bigyan ng pagtitiwala ng doctor.

Sana nga, hindi na biguin ni Sunshine ang mga taong nagbibigay sa kanya ng ikatlong pagkakataon sa kanyang career. Mahirap bumalik. Kung may sakit siya, pagamot na siya para hindi ito maging dahilan para magka-problema uli siya.

* * *

Oh Juday (Judy Ann Santos), nagtatampo ka naman daw sa ABS-CBN? Walang mabuti nito kundi kausapin mo na sila para magkaintindihan kayo o ipakausap mo sila sa manager mo. Baka naman may-miscommunication lang kayo.

Minsan kasi nagkakaroon ng kagalitan dahil lang hindi nagkakausap ang mga taong involved. 

Mahirap ang nagtatrabahap sa isang kumpanya na may kasamaan ng loob. Kaya ngayon pa lamang, sana ay plantsahin na nina Juday kasama ang asawa niyang si Ryan Agoncillo.

vuukle comment

ABANGAN

CONCEPCION

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

MAHIRAP

MANNY CALAYAN

PERO

PIOLO PASCUAL

RYAN AGONCILLO

SUNSHINE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with