^

PSN Showbiz

Dyesebel mapapanood na rin sa Singapore!

-

MANILA, Philippines - Ang hit na hit na primetime program noong 2008 at kuwento ng kauna-unahang sirena na pumukaw sa puso ng mga Pinoy — ang Dyesebel — ay nasa Malaysia na simula nung Lunes, Nobyembre 9 at malapit na ring mapanood sa Singapore.

Ang Dyesebel, na orihinal na likha ni Mars Ravelo para sa komiks noong dekada 50, ay naging sikat sa mga nagdaang panahon bilang peli­kula at muling pinasikat ng GMA Network bilang isang TV series noong 2008.

Tampok rito ang isang powerhouse cast na pinangungunahan ng most sought after loveteam sa Pilipinas na sina Dingdong Dantes bilang Fredo at Marian Rivera bilang Dyesebel. Isang makulay na kuwento ng buhay at pag-ibig ang hatid ng Dyesebel na siguradong kagigiliwan ng mga manonood saan mang bahagi ng mundo. 

Mapapanood naman sa Singapore ang Dyesebel sa Astro Ria channel ng Singtel Mio TV sa first quarter ng taong 2010. Ang pagsa­sahimpapawid ng Dyesebel sa ibang bansa ay hatid nang pinagsanib na pagtutulungan ng GMA International at GMA Worldwide.

ANG DYESEBEL

ASTRO RIA

DINGDONG DANTES

DYESEBEL

FREDO

ISANG

MAPAPANOOD

MARIAN RIVERA

MARS RAVELO

SINGTEL MIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with