Bianca nawawala sa eksena
Ano ba naman at dumarami ang mga artistang natsi-tsismis na titigil na sa pag-aartista. Nauna nang napabalitang magko-quit si Sharon Cuneta na nang makausap ko naman lately ay pinagtawanan lang ang balita.
Isa pang nababalitang tumigil na sa pag-aartista ay ang Kapusong si Bianca King. May ilang panahon na kasing hindi napapanood sa alinmang serye ng GMA 7 ang magandang aktres na naging abala sa pag-aaral niya at paghahasa ng kanyang talento sa pagsusulat at pagdidirek.
Katunayan, nakapag-direk siya ng video para sa bandang Hale na ang soloista ay boyfrined niya.
Maganda ang pagkakagawa ni Bianca ng MTV. Nagagandahan ang mga nakakapanood at nagsasabing may magandang kinabukasan ito bilang isang direktor.
Pero sinabi ni Bianca na priority pa rin niya ang pag-arte. Second job niya ang writing and directing at gagawin niya ang mga ito in between her acting.
* * *
Kung kailan naman madalas ang pag-ulan ay saka naman nagiging reckless ang maraming motorista natin. Halos araw-araw, ang daming naaaksidenteng sasakyan.
Manood kayo ng TV at makikita n’yo kung gaano karami ang car accidents na nagaganap dito sa Kamaynilaan.
Nung isang araw, mahigit na tatlong oras ang traffic patungong Quiapo. Akala ng marami, bumaha dahil umulan sandali. Yun pala, mayroong aksidente ng mga sasakyan, sa lugar bago dumating ng Welcome Rotonda. Tatlong sasakyan ang nagbanggaan.
Konting ingat mga pare ko. Masarama na nga ang panahon, hindi pa tayo nag-iingat.
* * *
Sa rami ng mga artistang nagsasanib puwersa makapag-fundraising, baka mapadali ang recovery ng mga nabiktima ni Ondoy. Madaling makakaahon ang mga biktima ng bagyo. Merong gumagawa ng concerts at fashion shows at kung anu-ano pang paraan para makalikom ng malaking halaga.
- Latest

























