^

PSN Showbiz

Sleepover partner lang: Young actress nakikipagsiping sa hindi BF

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Hindi na nakapag-deny ang isang young actress na natutulog sa bahay niya ang nobyong actor dahil nakita siyang inihahatid ang actor sa gym nito sa isang alanganing oras ng umaga. Bukod doon, naka-pambahay lang ang young actress, walang make-up at tila bagong gising.

Halata rin sa hitsura ng actor na hindi sa bahay niya nanggaling dahil hindi sariling sasakyan ang gamit at pagkagising, naligo lang yata at dumiretso na sa gym. Pero sabi ng actor, hindi niya GF ang young actress, so, sleepover partners lang siguro sila.

* * *

Nanghihinayang si Ogie Alcasid na hindi umabot sa showing ng Yaya and Angelina : The Spoiled Brat Movie sa Sept. 23, ang soundtrack ng movie na ginawa nila ni Michael V. Ilang songs lang daw ang nasama sa pelikula at ’di pa nila alam ang gagawin sa ibang songs.

Kinuwento ni Ogie kung gaano kaganda ang friendship nila ni Michael V. na up to now, kahit hindi nila birthday, nagbibigayan sila ng regalo. Spoiled si Ogie kay Michael V. at ’pag may nakita itong Michael Jackson o Starwars items, binibili ng kaibigan para sa kanya.

Sa nakaraan niyang birthday, drum set na ginagamit sa paglalaro ng Rockstar sa PSP ang gift sa kanya dahil feel daw ni Michael V. na hindi na siya naglalaro.

 “He’s a sweet guy at very rare kang makakakita ng kaibigang gaya niya. Binibigyan ko rin siya ng Voltes V collectibles, para kaming mga bata. I look up to him, siya ang ideal family man. Nang dumaan sa bagyo ang buhay ko, he was there,” wika ni Ogie.

Patuloy palang nananawagan si Ogie kung may nakakakilala kay Marietta Burton, ang yaya niya, gusto niya itong imbitahan sa premiere night ng movie sa Sept. 20 sa SM Megamall o kaya’y samahan niyang manood sa showing ng Yaya and Angelina simula Sept. 23. 

* * *

 “He failed” ang sagot ni Robin Nievera sa tanong ng press kung ano ang nangyari sa plano ni Jomari Yllana na i-build-up siyang local John Mayer, saka tumawa. Na-curious si Martin Nievera kung bakit nagtawanan ang press at nang malaman kung bakit ganun ang sagot ng anak at reaction ng press, tumawa rin.

Anyway, sabi pa ni Robin, puwedeng manood si Jomari ng As 1, ang concert nina Martin at Gary Valenciano na guests sila ni Gab Valenciano “provided he buys ticket.” In fairness, walang sinabing masama si Robin laban kay Jomari na naging close rin sa kanya noong boyfriend pa ito ng inang si Pops Fernandez.

Sa Sabado na ang concert sa SM Mall of Asia Concert Grounds at surprise ang number nila ni Gab with their respective dads. Hindi sila magpapatalo ni Gab sa kanilang mga ama.

* * *

Sa Rosalinda, tinanggap ni Fernando Jose (Geoff Eigenmann) ang alok na kasal ni Fedra (Katrina Halili) alang-alang sa anak nila ni Rosalinda (Carla Abellana) na si Erika. Hindi nito alam na sa araw ng kanyang kasal, bumalik na ang alaala ni Rosalinda.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

FERNANDO JOSE

GAB VALENCIANO

GARY VALENCIANO

GEOFF EIGENMANN

MICHAEL V

OGIE

ROSALINDA

YAYA AND ANGELINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with