^

PSN Showbiz

Geoff gustong magpa-sexy

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ang Dahil May Isang Ikaw ang isang dahilan kaya maaga akong umuwi ng bahay. Ayokong ma-miss ang magagandang episode ng Dahil May Isang Ikaw ang bilis-bilis ng pacing kaya hindi nakakatamad panoorin.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, iniisip ko kung ang mga twist na gagawin ng mga writer ng show dahil matagal pa ang itatakbo nito sa ere. Marami akong nakakausap na nagsasabi sa akin na sinusubaybayan din nila ang Dahil May Isang Ikaw.

Tuwang-tuwa si Lorna Tolentino sa magandang feedback sa kanilang show dahil sulit na sulit ang kanyang pagod at puyat. Malaking bagay para sa isang artista kapag pinupuri ang kagandahan ng kanilang programa.

* * *

Nag-renew ng kontrata si Geoff Eigenmann bilang endorser ng Hanford Underwear. Nagpapasalamat si Geoff sa Hanford dahil sa malaking tiwala sa kanya. Nagsalita si Geoff na willing siya na magpaseksi kung kailangan pero gagawin niya lamang ito para sa Hanford.

Lalong gumanda ang takbo ng showbiz career ni Geoff mula nang bumalik siya sa GMA 7. Magaganda ang mga project na ibinibigay sa kanya ng Kapuso network. Original GMA star si Geoff dahil nag-umpisa sa Kapuso network ang kanyang acting career.

Natatandaan ko pa ang kapilyuhan ni Geoff at ng kanyang kapatid na si Ryan noong mga bagets pa sila. Panahon ‘yon ng Star Olympics at karay-karay sila ng kanilang nanay na si Gina Alajar. Kapag may mga dumadating na mga artista, pinapabeso ni Gina ang kanyang mga anak. Nairita yata si Geoff sa dami ng kanyang binebeso kaya nagtaray siya. Talagang nag-dialogue siya kay Ryan ng “Do we really have to kiss them all dude?”   Bratty di ba.

* * *

Hiyang-hiya ako nang pumunta ako kahapon sa presscon ng Yaya and Angelina.

Hindi ko kasi nakilala si Victor Aliwalas na kasama pala sa cast ng pelikula.

Tinanong ko pa ang ibang reporter kung sinex siya. Mabuti na lang, hindi narinig ni Victor ang pagtatanong ko nang bumeso siya sa akin.

* * *

Kasama sa cast ng Yaya and Angelina si Sheena Halili.

Happy ako para kay Sheena dahil sumigla na uli ang kanyang career.

Hindi siya nawawalan ng project at nagre-rate ang kanyang mga show sa GMA huh!

* * *

Kahapon lang dumating si Felix Roco mula sa Venice.

Masayang-masaya si Felix sa kanyang pagdating dahil nag-win sa Venice Film Festival ang Engkwentro.

May katuwiran si Felix na mag-rejoice dahil siya ang lead actor ng Engkwentro.

vuukle comment

DAHIL

DAHIL MAY ISANG IKAW

ENGKWENTRO

FELIX ROCO

GEOFF

KANYANG

SIYA

YAYA AND ANGELINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with