^

PSN Showbiz

Cristine matagal nang pinapangarap si Richard

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Naloka pala si Iza Calzado nang dumalo siya sa birthday party ni Ogie Alcasid noong Huwebes ng gabi.

Karay-karay kasi ni Iza ang kanyang businessman boyfriend na si Atticus King. Hindi niya alam na maraming mga reporter ang bisita sa party ni Ogie kaya nagulat siya nang bumulaga sa kanila ang nakasisilaw na ilaw ng mga TV camera.

Very private person pa naman ang boyfriend ni Iza, kesehodang marami siyang kaibigan na mga artista.

Blooming ngayon si Iza. Halatang-halata na maligaya siya sa piling ng kanyang karelasyon. Naging happy din naman siya noon sa kanyang ex-boyfriend na si Jerry Garcia pero mahirap talaga ang long-distance relationship.

* * *

Ang loveteam nina Jennylyn Mercado at Mark Herras ang mga bida sa drama show na ipapalit ng GMA 7 sa All My Life nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

Magiging busy na uli si Mark kaya masusulit nang husto ang halos tatlong buwan na hindi niya pagkakaroon ng daily show.

Nagbunga na ng maganda ang madalas na pagpunta ni Mark sa gym. Maskulado na ang katawan niya at makinis na makinis ang kanyang balat. Ang gym ang naging paboritong hang-out ni Mark. Hindi na siya nakikita na tumatambay sa isang Internet shop sa Quezon City.

* * *

Dati na palang gusto ni Cristine Reyes na makapartner si Richard Gutierrez. Dumating na siya sa punto na kinausap niya si Annabelle Rama para magkasama sila ni Richard pero hindi ito natupad.

Nagkatotoo na ang dream ni Cristine dahil siya ang ipinalit kay Heart Evangelista bilang leading lady ni Richard sa Patient X.

Nag-shooting na siya noong Huwebes at pinabilib niya kaagad si Richard sa kanilang mga mabibigat na eksena.

Humanga si Richard kay Cristine na talagang pinaghandaan ang araw na magiging kapareha niya ang kanyang dream leading man.

* * *

Ikinasal kahapon ang sexy star na si Klaudia Koronel at siya ang punong-abala.

Hands-on si Klaudia dahil siya pa ang nag-iintindi sa mga reporter na inimbita niya na mag-cover sa kanyang kasal.

Nataranta kay Klaudia ang TV crew ng mga talk show dahil maaga siyang nagtawag kahapon para ipaalaala ang araw ng kanyang kasal.

Nadagdagan tuloy ang wedding jitters ni Klaudia dahil imbes na mag-focus sa pagrampa niya sa church aisle, ang attendance ng TV crew ang kanyang naging concern.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ALL MY LIFE

ANNABELLE RAMA

ATTICUS KING

CRISTINE

IZA

KANYANG

KLAUDIA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with