^

PSN Showbiz

Nadulas, actress tinawag na tomboy

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ang lakas ng tawa ng press na nakaalam sa one-liner reaction ng isang pro­ducer sa “I only work for my home studio” na sagot ng sikat na aktres nang i-offer ng producer ang isang importanteng role sa gagawin niyang pelikula.

Ang sagot ng producer ay simpleng “’Yang tomboy na ‘yan” na talagang tinawanan ng press.

In fairness, hindi tomboy ang aktres at nasabi lang ‘yun ng producer bilang initial reaction. May mga naka-relasyon na rin naman ang aktres at wala pa namang tsismis na tomboy siya at bulaklak ng dila lang yun ng producer.

Maliit ang showbiz at malay natin, isa sa mga araw na ito ay gumawa rin ng pelikula ang aktres sa movie company ng producer. Pero sa ngayon, malabo itong mangyari dahil sa palitan nila ng comment.

* * *

Naniniwala na sa hula si Dennis Trillo after niya dumaan sa tarot card reading sa solo presscon niya for Tarot ng Regal Films na puro magaganda ang narinig mula sa nagbasa ng kanyang kapalaran. Bumilib ang aktor sa tarot reader dahil pati problemang nagpapa-stress sa ama ay nalaman dahil silang mag-ama lang daw ang nag-usap, pero nalaman pa rin ng humula.

Nabahala lang ng konti si Dennis sa sinabi ng reader na dalawang relasyon ang makikipaghiwalay siya this year. Naisip sigurong bago pa lang ang relasyon nila ni Pauleen Luna, tapos magbi-break na agad. Yung isang relasyon na sabi’y tatalikuran ng aktor, ang birong hula ng press ay business relation­ship nila ng manager niyang si Popoy Caritativo na nang iparating namin ay natawa lang. Sigurado si Popoy na ‘di siya ipagpapalit ni Dennis sa ibang manager.

Kasama sa cast ng tarot si Roxanne Guinoo na napansin naming nagmo-Morph o nagbabago ang picture sa print ad ng horror flick ng Regal En­ter­tainment. May sariling buhay ang picture ni Roxanne na sa simula’y maliit at palaki nang palaki at sa latest print ad, kasing laki na ng mga pictures nina Dennis at co-star na si Marian Rivera. Sa pos­ter, walang problema’t pare-pareho ang laki ng litrato nila.

Hindi na rin tinanong si Dennis sa billing niya sa pelikula’t sinabi na nitong ’di siya masyadong concerned sa billing at ang importante’y maganda at pag-uusapan ang role niya. Saka, kung mas malaki man ang name ni Marian kesa sa kanya, tanggap ni Dennis na mas sikat sa kanya ang ak­tres at pasalamat pa nga siyang nagkaroon ito ng time na tumambal sa kanya.

Incidentally, hindi lang cologne ang ini-endorse ni Dennis dahil endorser din siya ng colored hair wax na washable at ng isang car perfume.

Ang dalawang ba­gong produkto ay kasa­ma sa Joel Cruz Sig­natu­res ni Joel Cruz.

* * *

Very proud si Gret­chen Espina sa Shi­ning Through album niya un­der Sony Music na na-release after one year at na-launch sa anniver­sary mismo ng

Pinoy Idol. Ang wish na lang ng dalaga, bu­men­­ta ang album para hindi ma-disappoint ang mga tumutulong at nag­titiwala sa kanya.

Malakas ang airplay ng carrier single ng al­bum na Kasalanan Nga Ba? At umaasa si Gret­chen na magamit na the­me song sa teleserye ng GMA 7.

Si Paul Soriano na boy­friend ni Toni Gon­zaga ang director ng music video at inamin ni­tong mas na-inspired siya sa shoot dahil gu­wa­po ang director. Binu­king din nitong bumisita si Toni sa shoot.

Regular na ring na­pa­panood sa S.O.P. ai Gretchen at nagka­karoon siya ng chance to perform with more seasoned singers.

vuukle comment

DENNIS

DENNIS TRILLO

JOEL CRUZ

JOEL CRUZ SIG

KASALANAN NGA BA

LANG

MARIAN RIVERA

PAUL SORIANO

PAULEEN LUNA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with