^

PSN Showbiz

Robin nag-iisip pa rin

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Patuloy ang pag-angat ng tensyon hindi lamang sa mga natitirang finalists sa Who’s The Next Big Star? ng GMA 7 kundi maging sa mga manonood ng programa.

Hindi ito itatanggi ng sinuman kina Zyrene Par­sad, Camille Cortez, Francheska Farr, Jay Pe­rillo, Geoff Taylor, at Allan Castro na kahit pare-pareho nang mga qualified na mapanalunan ang titulo ay kinakailangan pa ring umasa sa text votes. Ang mga ito ang magbibigay sa kanila ng malas o swerte sa mga susunod na araw hang­gang sa finals night sa Aug. 23.

Sinuman sa anim ang manalo ay deserving, bukod sa talagang mahusay silang kumanta ay mga artistahin pa rin ang mga hit­sura nila. Ang maganda sa nasabing star search ay ang pang­yayaring dalawa ang mananalo, isang pareha ng babae at lalaki. Kaya umaatikabong bakbakan ang inaa­sahang magaganap.

Kayo, may bet na ba? Pwede kayong makatulong sa pagpili ng mananalo. Siguruhin n’yo lang na talagang deserving ang pipiliin n’yo.

* * *

Lilipat ba o hindi si Robin Padilla? Mananatili ba siyang Kapuso o magiging Kapamilya na? Ito ang inaabangan ng marami ngayon.

Ang isang sigurado ay ang paggawa niya ng pelikula sa Star Cinema. Baka yung paglabas sa TV ang under negotiation pa. O baka naman pinag-iisipan pa ng husto ni Binoe ang gagawin niyang desisyon. After all, tinrato naman siya ng maganda sa GMA 7.

* * *

Meron ding tinanggap na sitcom si Mommy Dio­nisia sa GMA 7. Siyempre, hindi niya ito ma­tatang­gihan dahil makakasama niya ang sikat na anak sa naturang palabas.

Show Me Da Manny ang titulo ng palabas na tinambakan ng mga artistang malalaki. Si Marian Rivera ang love interest ni Manny Pac­quiao, anak ng may-ari ng gym na kalaban ng gym niya. Nakowww, siguradong riot ito!

Isa siguro si Mommy Dionisia na maaaring magtrabaho sa dalawang magkalabang network. Balita ko ay may magiging show din ito sa kabila. Katunayan, makakapag-guest na ito sa mga shows dun. Baka na­man magka­laban pa ang mga shows niya. Pero hin­di ba may mga tao na nag-aasikaso ng sked niya to make sure na hindi ito magkakapatong at hindi siya mahi­hirapang maglagare, kung sakali?

* * *

Marami ang nagtatanong sa akin kung sino raw ba sa palagay ko ang pinaka­ ma­gagan­dang artista natin ngayon?

Aba, parang mahirap sagutin ito. Ang dami kasing maganda at baka ang ma­gan­da sa akin ay pangit sa ka­nila. In any case, I think kasali sa sampu kong choice sina Marian Rivera, Ruffa Gutierrez, Angel Locsin, Kris­tine Hermosa, Cris­tine Reyes, Maja Salvador, Heart Evan­gelista, Bea Alonzo, Shaina Mag­dayao, at Kris Bernal.

Sa mga lalaki naman, kasama sa listahan ko sina Piolo Pascual, Den­nis Trillo, Sam Milby, Gerald Anderson, John Lloyd Cruz, Ri­chard Gutierrez, Dingdong Dan­tes, Derek Ramsay, Rafael Rosell, at Geoff Eigenmann.

Agree ba kayo sa choice ko o may iba kayong gusto?

vuukle comment

ALLAN CASTRO

ANGEL LOCSIN

BEA ALONZO

CAMILLE CORTEZ

DEREK RAMSAY

DINGDONG DAN

MARIAN RIVERA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with