^

PSN Showbiz

Dingdong napi-pressure sa mataas na rating ng Darna

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Ayaw tanggapin ng marami ang dahilan ni Charice kung kaya hindi niya nasipot ang ilang prog­rama ng Dos nung Sabado. Paliwanag ng inter­na­tional singer na dumating naman siya pero dahil sa sobrang traffic kung kaya na-late siya - tapos na ang programa nang dumating siya.

Bagaman at gusto ko rin siyang bigyan ng benefit of the doubt, bilang isang international star dapat alam niya kung paano i-manage ang time niya.

Since malayo ang bahay niya, dapat ay gumaga­yak ng maaga para hindi siya nahuhuli sa pu­puntahan niya. Mortal sin sa mga katulad niya ang hin­di nasisipot ang commitment niya. At hindi ko siya iniin­triga, nagpapayo lamang.

* * *

Ang bait naman ni Dr. Manny Calayan para saklolohan ang singer na si Selina Sevilla at mag-offer na operahan itong muli para tanggalin ang silicon na inilagay sa kanyang butt ng isang doktor na ang pangunahing layunin ay pagandahin ang korte nito pero sa halip ay nabulok ang bahaging pinaglagyan nito.

May kamahalan ang halagang kakailanganin ng singer para maibalik sa normal ang kanyang butt kaya malaki ang pasasalamat niya sa pagmamagandang loob ni Doc Manny.

Payo lang sa mga gustong magpa-enhance ng anumang bahagi ng kanilang katawan. Pumunta kayo sa mapagkakatiwalaang doktor at hindi sa kung sinu-sino lamang para sa mga ganitong serbisyo.

Nasayang na ang pera n’yo, nalagay pa sa panga­nib ang buhay ninyo.

* * *

Gagawin ni Dingdong Dantes ang lahat para mapa­­ganda ang portrayal niya kay Cholo sa ga­gawing adaptation ng GMA 7 ng Koreanovelang Stairway to Heaven na kung saan si Jodi ay ga­gam­panan naman ni Rhian Ramos.

Kakailanganin niyang mag-aral tumugtog ng piano at kahit kakailanganin niya ng hindi kakaunting oras para matuto nito, gagawin niya. 

Sa ayaw at sa gusto niya, mapi-pressure si Dingdong dahil nag-hit ang Darna ni Marian Rivera nang hindi siya kasama. Dapat lang ay mag-hit din ang Stairway to Heaven kahit wala si Marian.

* * *

Kapag nagsimula nang ipalabas ang Survivor Palau, talagang magiging mas matatag na ang evening line-up ng Siete. Biruin mo, magkakasunod na mapapanood ang Darna, Rosalinda, Adik Sa Yo at madadagdagan pa ng Survivor Philippines.

vuukle comment

ADIK SA YO

DARNA

DINGDONG DANTES

DOC MANNY

MANNY CALAYAN

MARIAN RIVERA

NIYA

PARA

RHIAN RAMOS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with