Nadine may hinanakit sa GMA 7
Marami ang na-impress kay Nadine Samonte sa presscon ng Darna nang lumabas ito na may karga-kargang impakto sa kanyang likod. Pinalakpakan siya matapos niyang sabihin ang kanyang role sa nasabing serye na pinagbibidahan ni Marian Rivera. The media thought na hindi lamang siya maganda, in contrast sa bagay na nakasabit sa kanyang likuran na talaga namang ubod ng pangit, maganda rin niyang nai-deliver yung mga lines niya.
Pero balitang hindi kuntento si Nadine sa nagiging takbo ng kanyang career sa GMA 7. Feel daw niya nare-relegate na lamang siya sa mga support roles, tulad ng pagiging Babaeng Impakta sa Darna. Oo nga at kontrabida siya pero, isa lamang siya sa mga kontrabida.
Nakapag-bida na rin naman siya pero matagal na ito. Naghihinanakit daw ito at nagtatanong kung may nagawa ba siyang hindi nagustuhan ng network at parang pinababayaan na siya?
* * *
Tungkol kay dating pangulong Cory Aquino pa rin ang pinag-uusapan ngayon sa bansa. Mawala man sa kanya, hindi naman lumalabas sa naging kaganapan sa kanyang buhay at ang pagdadala sa kanya sa kanyang huling hantungan umiikot ang mga balita.
Tulad na lamang ng apat na lalaking nagsilbing escort at walang pagod na tumayo ng walang kagalaw-galaw sa tabi ng kanyang kabaong sa loob ng mahigit sa walong oras na itinakbo ng funeral cortege patungong Manila Memorial Park na kung saan siya inilibing noong Miyerkules.
Pinalakpakan at ipinagbubunyi ng lahat sila Eduardo Rodriguez ng Philippine Navy, Antonio Cadiente ng Philippine Army, Danilo Malab ng PNP at Gener Laguindam ng Philipine Air Force dahil sa ipinamalas nilang giting.
Marami ring ispekulasyon sa naging speech ni Kris Aquino nung sabihin niya na sa kanilang balikat ni Sen. Noynoy Aquino nakaatang ang pagpapatuloy ng laban na sinimulan ng kanilang mga magulang, ipinakakahulugan ito ng lahat na sasamahan niya ang kanyang kuya sa pulitika. Bagaman at sinabi ng senador na wala siyang balak tumakbo sa mas mataas na posisyon, ngayon ay kay Kris nakatuon ang atensiyon. Pero tumanggi ang mga kapatid niya sa anumang hakbang ng pagpasok niya sa pulitika. Kung sakali raw, baka kapag kaya na niyang talikuran ang buhay na kanyang tinatamasa sa kasalukuyan.
* * *
Napakalakas na rating ang itinala ng Maalaala Mo Kaya sa pagsisimula ng kanilang 18th anniversary episodes ngayong Agosto 8, sa napaka-madamdaming istorya ng isang mag-ina na ginampanan nina AiAi delas Alas at Erich Gonzales.
Pero kahit naman hindi anniversary issue ay pinanonood ang drama anthology hosted by Charo Santos-Concio na pawang mga true story ng mga karaniwang mamamayan ang itinatampok. Ito marahil ang biggest factor ng MMK, bukod sa napapaganda ang mga ordinaryng istorya ay mga malalaking artista pa ang napipili para .
Sa Sabado, August 15, sina Ryan Eigenmann at Giselle Toengi ang mga magsisimula ng apat na istorya tungkol sa mga Pinoy sa Amerika - ang mga mahihirap na karanasan nila para makapagsimula ng bagong buhay sa bansang kilalang land of promises. Sa direksyon ni John-D Lazatin na naka-base na rin sa US.
- Latest





















