^

PSN Showbiz

Paul Cabral special request ni Pres. Cory

- SEEN SCENE -

Seen : Disaster ang pagkanta ni Jericho Ro­sales sa ASAP kahapon dahil hindi niya nabigyan ng justice ang Because You Loved Me. Namimili ng kanta ang boses ni Jericho. Hindi niya nabigyan ng justice ang awit ni Celine Dion na kanyang ki­nanta bilang tribute kay dating Pangulong Corazon Aquino.

Scene : Ang fashion designer na si Paul Cabral ang gumawa ng yellow suit na suot ni Mrs. Aquino. Personal na tinawagan ng dating pangulo sa telepono si Paul upang sabihin na igawa siya ng damit kung dumating ang oras na mamatay siya.

Seen : Ang magdamag na live coverage ng ABS-CBN sa lamay para kay Mrs. Aquino sa La Salle Gymnasium mula Sabado ng gabi hanggang Linggo ng madaling-araw.

Scene : Katulong si Kris Aquino sa pag-asikaso sa pagbibihis at paglalagay ng make-up sa bangkay ng kanyang ina sa morgue ng Heritage Park.

Seen : Kinansela ni Pinky Webb ang pagba­­bakasyon sa Amerika dahil sa pagpanaw ni Mrs. Aquino. Kasama sana siyang aalis ni Edu Manzano.

Scene : Ililipat ngayon sa Manila Cathedral ang labi ni Mrs. Aquino. Ayaw ng kanyang pamilya na makaabala ang burol niya sa pag-aaral ng La Salle students.

Seen : Ang mga blooper nina Alex Santos, Henry Omaga-Diaz at Ted Failon sa pagbabalita nila tungkol sa mga kaganapan sa burol ni Mrs. Aquino.

Scene : Ang mga lighted candle na hawak ng mga host at guest ng SOP at ASAP sa production number/tribute nila kay Mrs. Aquino. Pareho rin ang mga camera shot.

vuukle comment

ALEX SANTOS

AQUINO

BECAUSE YOU LOVED ME

CELINE DION

CORAZON AQUINO

EDU MANZANO

HENRY OMAGA-DIAZ

HERITAGE PARK

JERICHO RO

MRS. AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with