^

PSN Showbiz

TESDA idol ilulunsad ni Mother Ricky

-

MANILA, Philippines - Marami na ang natulungan ng TESDA sa pamamagitan ng scholarship grant hindi lang para sa karunungan kundi pati sa kaalaman. Mga lalaking gustong magkaroon ng mas malaking pagkakakitaan, mga ginang na natutong magnegosyo kahit sa maliit na puhunan at mga mag-aaral na dahil sa kadahupan sa buhay ay napilitang huminto ng pag-aaral.

Sa Life and Style with Ricky Reyes ngayong Linggo na napapanood sa QTV-11, alas diyes hanggang alas onse ng umaga, ay ilulunsad ng Search for TESDA Idols.

Panauhin sa programa si Director General Tito Buboy Syjuco upang bigyang-linaw nila ng host na si Mother Ricky Reyes kung paano pipiliin ang mga kalahok na outstanding TESDA graduates mula sa 13 rehiyon sa bansa. Tatakbo ang contest sa buong buwan ng Agosto at ang awarding ay gaganapin sa Agosto 25.

Para sa mga gustong maging seksi, tutok lang dahil guest ang Dance Goddess na si Regine Tolentino. Ipapasyal niya tayo sa kanyang dance studio sa New Manila, Quezon City at pakikitaan ng mga sayaw na nakatutulong para sa kalusugan at kaseksihan ng katawan. Sa Great Hair Day ay isa na namang empleyadang walang oras mag-parlor ang maka­katikim ng “gandang Ricky Reyes” madyik.

Si Grace Galindez Gupana ang haharap sa WE (Women Empo­wer­­ment hosted ni Mayor Marides Fernan­do ay tampok si Bb. GGG na sa totoo lang ay may-ari ng prog­resibong Philherbs Nutra­ceuticals at popular na ABS Herbs.

Ang Life and Style with Ricky Reyes ay pro­duk­siyon ng Scrip­toVision.

vuukle comment

AGOSTO

ANG LIFE AND STYLE

DANCE GODDESS

DIRECTOR GENERAL TITO BUBOY SYJUCO

MAYOR MARIDES FERNAN

MOTHER RICKY REYES

NEW MANILA

PHILHERBS NUTRA

RICKY REYES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with