^

PSN Showbiz

Cogie kailangang magbago

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Tahimik lamang si Annabelle Rama sa isyu na nagkita ang kanyang anak na si Ruffa Gutierrez at si John Lloyd Cruz habang nagbabakasyon sila sa US. Hihintayin muna niya na makita ang mga sinasabing ebidensiya (pictures/video) nang pagkikita ng dalawa bagama’t hindi lang miminsan na nagkita ang dalawa sa US.

* * *

Isang gentleman naman kung kumilos si Geoff Eigenmann. Kita agad kung gaano kaganda ang pagpapalaki na ginawa sa kanya ni Gina Alajar.

Pero kahit naman nung bata pa siya, alam ko nang mamanahin niya ang talento ng kanyang mga magulang. Nauna na akong kumuha sa kanya noon para makasama sa programang Best Friends.

Bagay sila ni Carla Abellana, hindi ba? Sana suportahan sila at bigyan ng chance ng mga televiewers.

* * *

Nanghihinayang naman ako kay Cogie Domingo. Bukod sa guwapo ay mahusay ding artista, kaso nadiskaril.

Sana mabigyan siya ng second chance pero kailangan niyang i-prove muli ang kanyang sarili at ipakitang kaya na niyang magseryoso sa kanyang trabaho.

Kailangan ding umiwas na siya sa mga bagay na nagiging dahilan ng pagbagal ng kanyang career, alam na niya kung ano ito.

Ang panahon ay ’di na katulad ng dati, magbago na siya, siya rin ang makikinabang sakaling ayusin niya ang kanyang buhay.

* * *

Masaya ako na gumanda na naman ang kalagayan ni dating pangulong Cory Aquino. Nakatutulong talaga ang dasal ng maraming tao para sa kanya. Touched naman ako sa kanyang driver na payag na siya na lamang magkasakit, huwag lamang ang amo niya. At sinabi niya ang mga kabutihang ipinamalas sa kanya ni Mrs. Aquino.

Bilib din ako sa pagkakaisa ng kanyang pamilya, ang kanyang mga anak at pamilya nito. Pero higit ang paghanga ko sa kanya, sa kanyang katatagan at pananalig niya sa Diyos.

* * *

Gaganapin ngayong gabi sa Aliw Theater ang concert na isang paraan ng Western Union sa pagbibigay ng gintong ngiti sa kanilang mga loyal customers na pangungunahan nina Jericho Rosales, Christian Bautista at Yeng Constantino.

“Masaya ako at excited dahil isa ako sa mga napili ng Western Union na magbigay ng gintong ngiti sa mga loyal customers nila. Isang privilege din ang makasama sina Christian at Yeng sa concert,” sabi ni Jericho.

Mabibili ang tickets sa lahat ng Ticketworld outlets sa halagang P1,800, P1,500, P1,200, P800, at P500.

Isa sa mga ‘experiential’ benefits ng mga Western Union Gold Card members ay ang 50 percent discount sa bawat concert ticket.

vuukle comment

ALIW THEATER

ANNABELLE RAMA

BEST FRIENDS

CARLA ABELLANA

CHRISTIAN BAUTISTA

KANYANG

WESTERN UNION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with