^

PSN Showbiz

Singer/actress parating nakababad sa kuwarto ng bf

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Tumawag ang isang kaibigang writer na malapit sa sikat na young actress at sinabing sobrang in love nito sa kanyang nobyo na isa ring sikat na aktor.

Malimit daw magpunta ang aktres sa bahay ng nobyo at nagsosolo sila sa kuwarto dahil madalas naman daw ay wala ang mga magulang nito na sikat ding celebrities at parehong busy sa kanilang trabaho.

“Siyempre ano naman ang gagawin nila sa kuwarto nang silang dalawa lang? Nag-aalala kami na baka mabuntis ang young actress dahil matinik sa chicks ang aktor na isa nang binatang ama. Sana mag-ingat siya dahil kaibigan namin ang kanyang ina,” sabi ng writer-friend ko.

Dagdag pang kuwento na kapag libre rin sa commitment ang young actress ay lagi itong nagpupunta sa bahay ng actor-boyfriend.

* * *

Inamin ni JC de Vera na hanggang ngayon ay natutulala pa rin ito kapag nakikita ang magandang mukha ng kanyang leading lady sa Ngayon at Kailanman na si Heart Evangelista. Noon kasing magkaklase pa ang dalawa sa San Agustin (Grade II) ay gandang-ganda na ito sa beauty ng actress na popular sa school dahil sa kanyang ganda. Nang lumaki na ito at naging commercial model ay lalo nang ‘di niya malapitan ang actress hanggang nagkita na sila sa showbiz at naging magkatambal pa sa Ngayon at Kailanman.

Kahit sa taping ng soap opera ay nakatingin pa rin siya sa mukha nito at noong una ay nahihiya pa pero later, nag-bonding na sila kaya nagbibiruan na sila sa set.

Nagbiro pa nga si JC na may posibilidad na ma-in love siya sa kapareha.

Pero binara agad siya ni Heart. Ayaw daw muna niyang ma-in love.

* * *

Makalipas ang dalawang taon mula nang mailigtas ng kabataang si Sam Witwicky na ginampanan ni Shia LaBeaouf ang daigdig dahil sa matinding digmaan ng magkalabang uri ng mga robot galing sa ibang planeta at sa kabila ng napakataas na uri ng kabayanihang kanyang ipinakita, si Sam ay nanatiling isang pangkaraniwang teenager. Ngayon ay nagbabalik si La Beouf sa malaking pelikula ng taon-ang Transformers 2: Revenge of the Fallen kung saan makapigil-hininga ang aksiyon mula sa simula hanggang wakas.

Ang Transformers 2: Revenge of the Fallen sa direksyon ni Michael Bay ay ipinamamahagi ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation. Palabas na sa June 24. 

vuukle comment

ANG TRANSFORMERS

HEART EVANGELISTA

KAILANMAN

LA BEOUF

MICHAEL BAY

NGAYON

REVENGE OF THE FALLEN

SAM WITWICKY

SAN AGUSTIN

SOLAR ENTERTAINMENT CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with