^

PSN Showbiz

Katrina magdi-demanda!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

’Kakainggit. ’Yan lang ang nasabi ko after na panoorin ang Agoncillo-Santos Wedding Special – Unchanging Love nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa ABS-CBN Sunday night.

Dream wedding talaga.

Perfect ang bawat detail at mukhang walang pumalpak.

Ang ganda rin ni Judy Ann at parang gumuwapo si Ryan.

Parang mga eksena sa telenovela ang kasalan nilang dalawa.

Mula sa preparation ng food, sa church, flowers, reception, banca ride, sa pagkanta ng The APO Hiking Society at ang kakulitan ni Ryan. Ang galing!

Pero from the start pala, naka-record na lahat. Almost a month ding may sumusunod sa kanilang crew na naging tahimik sa eksaktong petsa ng kasal nila.

Ang alam kasi ng lahat, hindi nila binigay ang TV rights ng coverage, pero meron pala.

Tamang-tama lang ang pre­sentation hosted by Boy Abunda and Kris Aquino. Pero isang sobrang nakaaaliw sa presentation ay ang live performance ng The APO Hiking Society.

One for the books ang nasabing wedding nina Judy Ann at Ryan.

Isa ring hindi malilimutang kasalan sa showbiz ang kina Aga Muhlach and Charlene Gonzales sa Baguio noon.

Dinala rin nila lahat ng mga kaibigan para sa kanilang kasal.

* * *

Sari-sari na ang mga reactions ng mga tao kay Dr. Hayden Kho.

Hate na hate na nila ang nasabing doctor dahil sa naglabasang sex video nila ni Katrina Halili.

Kung puwede lang siyang sugurin at suntuk-suntukin, malamang pasa-pasa na ang katawan niya sa rami ng sumuntok.

Isa si Lola Cora (pambansang lola ng aming opisina) na to the highest level ang nararamdamang galit sa kanya. Sigaw ni Lola Cora, “Dapat bitayin siya!”

Iba naman, like Beth, gustong ipaputol ang ari ni Dr. Hayden para ’di na magamit sa iba.

Hindi na raw dapat tino-tolerate ang ganito. Gusto nilang mag-file ng petition para mawalan ng lisensiya ang nasabing doctor na siguradong ngayon ay wala nang maglalakas ng loob na magpa-check up dahil baka may naka-ready na videocam.

Talbog lahat ng showbiz news sa nasabing video nila ni Katrina na nakakakilabot panoorin dahil kawawa talaga ang sexy actress. Para bang gusto talagang sirain ang career niya at tuluyang ibaon.

Naghahanap na raw ng mga ebidensiya si Katrina para tuluyang idemanda si Dr. Hayden.

Go, go, go!

vuukle comment

AGA MUHLACH AND CHARLENE GONZALES

AGONCILLO-SANTOS WEDDING SPECIAL

BOY ABUNDA AND KRIS AQUINO

DR. HAYDEN

DR. HAYDEN KHO

HIKING SOCIETY

ISA

JUDY ANN

LOLA CORA

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with