^

PSN Showbiz

Sunshine inunahan ni Rhian sa billboard

- Veronica R. Samio -

Walang Pinoy ang hindi nakakakilala kay Billy Crawford, dating Billy Joe. Alam ng lahat na isa siyang Fil-Am na sumikat, una sa Europe, at ngayon ay nagpapakilala sa Amerika. Ang hindi batid ng marami ay kung gaano siya kasikat sa abroad. Dahil hindi ito maporma, hindi masyadong masalita at wari’y isang baguhan na muling nagpapakilala sa kanyang mga kababayan matapos mawala ng matagal sa kanilang paningin.

Regular nang Kapamilya ang alumnus ng That’s Entertainment ni Kuya Germs. Kung nawawala man siya paminsan-minsan lalo na sa ASAP na kung saan ay napapanood siya tuwing Linggo, ito ay sa dahil kinakailangan niyang magpabalik-balik sa US para sa promosyon ng kanyang album. Malaking tulong para makilala siya ng husto sa labas ng bansa ang paglabas niya sa TFC o The Filipino Channel. Ito ang nagsisilbing outlet para mapanood ng mga Pinoy sa abroad ang mga palabas at artista ng ABS-CBN.

Mahigit isang buwan ‘din siyang nakasama ni Sarah Geronimo sa paglilibot sa Amerika kaya hindi natin siya napapanood lately. Pero pabalik na ang grupo pagkatapos ng matagumpay na Sarah Geronino: The Next One US Tour sa maraming estado sa Amerika.

Si Billy ang pinaka-bagong celebrity VJ ng MYX sa buwang ito ng Mayo. Sa Mayo 4 abangan siya sa Urban MYX kasunod ang ispesyal na MYXILOG, Mayo 10-16, ang kanyang 27th birthday. Nasa Mellow MYX siya sa Mayo 17-25 at sa Mayo 24-30, makakapag-interact siya sa mga manonood na maaring mag-request ng kanilang paboritong music videos.

Nakatakda na ring irelease ang bago niyang album na mayroon nang music video. Ito ang 80’s hit ni Robbie Dupree na Steal Away.

* * *

Kay Mark Anthony Fernandez, iniwan ni Rudy Fernandez ang Derby residence nila ni LT sa White Plains. Pero hindi pa ito natitirhan ni Mark at ng kanyang pamilya dahil may nangungupahan pa rito. At mayroon na rin siyang nabiling bahay na siyang tinitirhan nila ng kanyang pamilya ngayon. Pero kapag nabakante ito ay baka tirhan din nila.

* * *

Marami ang nakakapansin na matagal nang endorser ng Sabella, isang line of women’s apparel, si Sunshine Dizon pero nauna pang magkaroon ng billboard ng Sabella si Rhian Ramos kaysa kay Sunshine. Wala namang reklamo dito si Sunshine, mga nagmamalasakit sa kanya ang may complaint.

* * *

May hindi magandang ugali ngayon ang mga supermarkets. Nung Huwebes ng gabi, nag-grocery ako sa isang supermarket sa Novaliches. Mahigit P600 lamang ang purchases ko, hinihingan ako ng barya para buo ang isukli sa akin ng kahera, ang kaso mo wala akong barya kaya sa halip na suklian ako ng tama, tinanong na lamang ako ng kahera kung puwede bang huwag ko nang kunin ‘yung P.40 centavos na sukli, nakakahiya naman kung makikipagtalo pa ako para sa nasabing halaga. Naisip ko na lamang kung bakit wala siyang nakahandang kendi na karaniwang ipinangsusukli kapag walang barya ang kahera.

* * *

Sisimulan na ngayong hapon ang seryeng siguradong magpapatayo sa inyong balahibo, ang Komiks Presents Mars Ravelo’s Nasaan Ka Maruja? sa ABS-CBN.

Pagkatapos ng matagumpay na kuwento ni Flash Bomba, handog naman ng Komiks Presents ang isang istorya ng pag-ibig na kahit oras ay kayang tawirin… isang kuwento ng reincarnation na magpapahiwatig sa isang babaeng gagampanan ni Kristine Hermosa.

vuukle comment

AMERIKA

BILLY CRAWFORD

BILLY JOE

FILIPINO CHANNEL

FLASH BOMBA

ISANG

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with