^

PSN Showbiz

Cindy Kurleto balik-Manila

RATED A - Aster Amoyo -

Alam ba ninyo na kahit may pitong taon nang namayapa ang aktor na si Rico Yan ay hindi pa rin nakakalimot na dalawin ang kanyang puntod sa Manila Memorial Park ng kaibigan niyang aktor na si Dominic Ochoa? Minsan ay double purpose ang ginawang pagdalaw ni Dominic sa puntod ng kanyang namayapang kaibigang aktor. Bukod sa inalay niyang dasal, ‘ipinaalam’ ni Dominic sa kanyang kaibigan ang pagpapakasal sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Denise Go noong December.

Nung December 22 ay ikinasal sina Dominic at Denise sa pamamagitan ng civil wedding rites na balak nilang sundan ng church wedding bago magtapos ang taong ito.

Kung buhay pa marahil si Rico, tiyak na hindi ito mawawala sa kasal ng kanyang kaibigang si Dominic at malamang na siya (Rico) pa ang gawing best man nito.

Sa edad na 34, naniniwala si Dominic na panahon nang magsimula siya ng kanyang sariling pamilya.

Si Dominic ay nagbabalik sa telebisyon sa pamamagitan ng Tayong Dalawa ng ABS-CBN.

* * *

Cindy Kurleto is in town for a vacation dahil sa Lima, Peru na siya based. 

Pero habang narito ay mina-maximize niya ang kanyang oras sa bakasyon by catching up with her friends dahil miss na raw niya ang Manila na kanyang kinu-consider na home. 

On her 31st birthday sa April 21, dadalawin niya ang kanyang Austrian dad sa Vienna at mula Vienna ay saka siya babalik ng Peru. Since Spanish-speaking ang Peru, nag-aaral umano si Cindy ng Spanish.

Si Cindy ay dating miyembro ng Eat Bulaga at sa dating sitcom ni Vic Sotto, ang Dadedidodu na napalitan na ng Fulhaus kung saan katambal naman ni Vic ang girlfriend niyang si Pia Guanio.

* * *

Ibang klase talaga ang GMA 7 kapag sila’y nag-launch ng isang bagong programa. Parating bongga at kakaiba tulad na lamang ng grand press launch ng pinakabago nilang primetime TV series, ang Philippine version ng Zorro na si Richard Gutierrez ang bida. Ito’y ginanap sa pinakamalaki at pinakabagong Studio 7 ng network.

Ang feeling tuloy ng mga dumalong entertainment media ay bumalik sila nung panahon ng Kastila dahil sa kakaibang setting. Ang buong cast ay dumating na naka-Spanish costume at si Richard na nakakabayo pa nang pumasok sa studio at naglambitin mula sa likod papunta ng stage area.

Kahit sa Marso 23 pa ito magsisimula, base sa trailer na aming nasaksihan, makikita talaga na pinaghandaan nang husto ang pinakabagong action TV series ni Richard at pang-pito na ito na kanyang ginawa na pawang top raters.

Although lahat ay malalaki ang mga proyekto ni Richard sa GMA 7, we think na pinakamalaki na marahil itong local franchise ng Zorro na binubuo ng isang powerhouse cast.

Tuwang-tuwa siyempre ang mom-manager ni Richard sa sobrang bonggang launch na ginawa ng GMA 7 para sa Zorro. Bukod kasi kay Richard ay kasama rin ni Annabelle Rama ang kanyang mister na si Eddie Gutierrez, anak na si Elvis Gutierrez at tatlo pa sa kanyang mga alaga na sina TJ, Michelle at Bubbles.

Aminado naman si Richard na proud siya sa bawat TV series na ipinagkakatiwala sa kanya ng Siete

* * *

Sa pakiusap at payo ni Ramon Revilla, Sr. sa kanyang young senator-son na si Bong Revilla, hindi na muna niya itutuloy ang kanyang intention na tumakbo sa pagka-pangalawang pangulo sa darating na 2010 elections. Ang gusto ng matandang Revilla na tapusin na muna ni Bong ang kanyang termino bilang senador bago ito mag-aspire sa mas mataas na posisyon dahil bata pa umano ang anak.

Ayon kay Sen. Bong, sino naman daw siya para suwayin ang hiling ng kanyang maysakit na ama. 

Umaasa si Sen. Bong at iba niyang mga kapatid na tuluyan nang gumaling ang kanyang ama at makapiling pa nila ng matagal.

* * *

Kung bibigyan ng chance si Geoff Eigenmann na makapamili kung sino ang gusto niyang makapareha in his future projects bilang pinakabagong Kapuso star, gusto niyang makatrabahong muli si Heart Evangelista na nakatrabaho na niya sa ABS-CBN, sina Marian Rivera, Iza Calzado, Sunshine Dizon at Maxene Magalona pero wala umano siya sa posisyon na mamili dahil ang network ang mas nakakaalam kung kanino babagay ang character na gusto nitong i-assign. 

* * *

 Nagdadalang-tao ngayon ang magandang misis ng batikang radio and TV anchor na si Anthony Taberna na si Rosell Velasco-Taberna sa kanilang pangalawang baby at umaasa ang mag-asawa ng baby boy.

* * *

Email: [email protected]

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

ANTHONY TABERNA

BONG REVILLA

BUKOD

CINDY KURLETO

DENISE GO

DOMINIC

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with