^

PSN Showbiz

Tips para 'di mainip sa summer

-

MANILA, Philippines - Sa nalalapit na pagsasara ng mga klase at pagpasok ng bakasyon ay laging problema ng mga magulang kung anu-anong ang dapat pag-ukulan ng pansin ng kanilang mga anak para di mainip ang mga ito sa dalawa’t kalahating buwan sa bahay.

Ngayong Linggo, alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga sa Life and Style With Ricky Reyes na umeere sa QTV-11, tatalakayin ng host-producer na si Ricky Reyes at mga panauhing sina Marikina City Mayor Marides Fernando, Unang Ginang ng Taguig City Kaye Tinga at Unang Ginang ng Valenzuela City Linabelle Villarica ang iba-ibang aktibidades na maaaring pagtuunan ng pansin at oras ng mga bagets kaysa makaisip ang mga ito ng ‘di magagandang gawain o malulong kaya sa bisyo.

Sa Tesda Bida ay tampok ang isang scholar ng PGMA Foundation na si Jimmy Martilla na sa pagsasadula ng kasaysayang ang actor na si Gio Alvarez ang gaganap ng papel. Sa maikling dula’y ipakikita kung paano nagbago at umunlad ang buhay ni Jimmy sa livelihood programa na natutunan sa Tesda.

Siyempre pa, aawit ng isang sariling komposisyon para sa summer ang grupong Tugizta at sa Great Hair Day ay mamadyikin ni Mother Ricky ang isang simpleng modelo at ito’y magiging byuti sa inayos na buhok at inilagay na mga pampaganda sa mukha.

vuukle comment

GIO ALVAREZ

GREAT HAIR DAY

JIMMY MARTILLA

KAYE TINGA

LIFE AND STYLE WITH RICKY REYES

LINABELLE VILLARICA

MARIDES FERNANDO

MARIKINA CITY MAYOR

UNANG GINANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with