Feel na feel na ang tag-init
MANILA, Philippines - Marso na at biglang nag-iba ang klima. Kung grabe ang lamig sa mga buwan ng Enero at Pebrero, bigla na lang tayong dumaraing sa init ng panahon.
Pero sa Life and Style with Ricky Reyes nung nakaraang Linggo dahil sa opening song and dance number pa lang ng Bestfriends Dancers and Models na Here Comes The Sun ay alam mo agad na handa na ang QTV-11 program na i-welcome ang summer.
Nakatsikahan ng host-producer na si Mother Ricky ang mag-asawang Bernard at Digna Bonnin kasama ang anak na si France tungkol sa maraming lugar na napagbakasyunan nila rito at maging sa ibang bansa.
Nagbigay din si Mother RR ng rekomendasyon kung saang mga lugar may maganda at malinis na kapaligiran, masarap at ‘di kamahalang pagkain at matutuluyang may mababait na tauhan at abot-kaya ng bulsang hotel, cottage at mga kuwarto.
Ililibot din ang mga Bonnin sa Golden Sunset Resort, Inn and Spa sa Barrio Uno, Calatagan, Batangas. Siyempre, isa itong matatawag na getaway na pampamilya at ‘di kalayuan sa Metro Manila kaya nasiyahan sila sa unang pagkakataong pagdalaw sa nasabing lugar.
Bumisita rin sa programa si Ms. Kat Von Eisendel ng Good Housekeeping Magazine na nagbigay ng mga suhestyong pang-tag-init at balita tungkol sa 2009 Summer Fashion Trends.
- Latest


























